top of page
Search
BULGAR

Kung kay ex-Pres. Marcos, ginawa… DIREK DARRYL, TINANGGIHAN ANG LIFE STORY NI DU30

ni Rohn Romulo @Run Wild | March 1, 2023




Seryosong sinabi ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na after ng trilogy movie sa buhay ng mga Marcoses ay stop muna siya sa paggawa tungkol sa mga pulitiko.


“After the trilogy, perhaps I’m just gonna, you know, create more films that are not political, ‘coz it’s consuming my energy, the stress that I’m getting,” pahayag ng direktor ng Martyr or Murderer na showing na ngayong March 1.



Sa katunayan ay may offer na gawan din niya ng movie ang mga Duterte.

Pag-amin niya, “Well, there’s an offer for the Dutertes but I said I’m gonna rest for awhile."

Pero may dream siyang movie na gusto niyang gawin in the next few years.


“Well, I want to tackle the life of Charo Santos… 'coz she’s a very good actress and became a very important part of Philippine entertainment, ‘no?


“Gusto kong ikuwento 'yung buhay ng tagapagkuwento. I think it’s really a very good content, ‘no?”


Dagdag pa niya, sa ilang dekada ng Maalaala Mo Kaya, “With all the letters that she has been reading, ‘no? I guess if I get to tell her story, I’ll be telling the story of millions so… I find her very beautiful, what she did with ABS-CBN is far beyond compare.


“She’s a woman of grace and I don’t think there’s a person in showbiz that can speak ill of her.


“She’s very gracious and I want to create a movie about a woman who achieved greatness not just because she’s beautiful but she’s a good person.”


Kahit hindi taga-Viva, type raw niyang si Kathryn Bernardo ang gumanap bilang young Charo.


"Kathryn would be very good,” tugon ni Darryl.


Sa kanyang dream project, gusto rin niyang i-cast si Judy Ann Santos bilang Charo, na hindi rin matatawaran ang husay sa pagiging aktres.


Pagbabahagi pa niya, “It’s really a dream, ‘no? I really fell in love with Ms. Charo, she’s really ano, she’s really something."


Sa aming naging tsikahan, mukhang nabuko namin si Direk Darryl, na parang may niluluto na naman siyang project para kay Megastar Sharon Cuneta, kung saan ipinagmamalaki niya na naidirek niya ito sa Revirginized and after the movie, pareho nga nilang nasabi na gusto nilang makatrabaho uli ang isa't isa.


Pero habang aabangan na lang natin kung magkakatotoo ang muli nilang pagsasama, sigurado nang matutuloy ang big-screen film adaptation ng The Mango Bride, ang award-winning debut novel ni Marivi Soliven, na pagbibidahan nga ni Sharon.


Noong 2011, nagwagi ang nobela ni Soliven ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature. Iikot ito sa dalawang Pinay na sina Amparo at Beverly na nag-migrate sa California at matutuklasan nila ang mga nakatagong katotohanan, habang nagtatagpo at nagkakabit-kabit ang kanilang mga kuwento.


Ini-release ito ng leading publishing house na Penguin Books noong 2013. May Spanish edition din ito at Filipino edition, translated by Danton Remoto.


Nasimulan na naming basahin ang The Mango Bride at mukhang may panlaban na naman si Mega sa pagiging Best Actress.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page