top of page
Search
BULGAR

Kung ex na si Luis, nagpakasal na kay Jessy…JENNYLYN AT DENNIS, ENJOY NA SA LIVE-IN,

AYAW PA RING MAGPAKASAL.


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 26, 2021




Nang makasal na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, ganu'n din ang iba pang showbiz couples, sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo naman ang inaapura nang magpakasal ng kanilang mga tagahanga.


Parehong nasa tamang edad na ang magkasintahan at financially stable na rin. Wala nang dahilan para hindi pa sila magpakasal at maging selyado na ang kanilang pagmamahalan.


Wala namang tumututol sa kanilang relasyon at marami ang nag-aabang sa kanilang kasal.


May mga netizens nga ang nagsasabing mauunahan pa silang magpakasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ganu'n din nina Ellen Adarna-Derek Ramsay, Angel Locsin-Neil Arce, at Ara Mina-Dave Almarinez.


Ano pa ba ang hinihintay nina Jen at Dennis at ayaw pa nilang magpakasal? Hindi naman makakaapekto ito sa kanilang career dahil tanggap na ng publiko ang mga artistang nag-aasawa na.


Kuntento na ba sila sa live-in set-up lang?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page