ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 sa kanyang public address noong Lunes at aniya, ipaaaresto niya ang mga ito.
Saad ng pangulo, "Itong mga g*go na ayaw magpabakuna, and they are really carriers and they, you know, traveling from one place to another, carrying the virus, and then contaminating other people.
"Itong ayaw magpabakuna, kayong ayaw magpabakuna, ang ipapabakuna ko sa inyo, 'yung bakuna sa baboy, 'yung Ivermectin, 'yun ang ibakuna ko sa kanila. Ang titigas ng ulo, eh.
"Don't get me wrong. There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita. At ang bakuna, itusok ko sa puwet mo. Put*ng n. Buwisit kayo.”
Aniya pa, kung sinuman ang ayaw magpabakuna ay dapat umalis sa Pilipinas.
Saad pa ng pangulo, “Don’t force my hand into it. Kung hindi kayo magpabakuna, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or to America. But as long as you are here and you are a human being who can carry the virus, eh, magpabakuna ka. Otherwise, I will order all the barangay captains to have a tally of the people who refuse to be vaccinated. Kasi ‘pag hindi, ‘yung Ivermectin na para sa baboy ang patira ko sa ‘yo. Ayun, patay talaga, pati ikaw.”
Aniya pa, "Mamili kayo, magpabakuna kayo o ipakulong ko kayo sa selda."
תגובות