ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 27, 2024
Para kay Jo Berry, hindi sukatan ang height o size upang makamit ng sinuman ang kanyang gustong gawin o pangarap sa buhay.
Sabi nga sa paalala ng GMA-7 Corporate PR ay.... "Anyone can reach for their dreams... no matter their size, shape, and height, as long as there is goodness in their heart."
Very true indeed!
Kaya happy kami kay Jo Berry ‘coz after Onanay TV series nila noon ni Superstar Nora Aunor ay nabigyan uli siya ng TV series sa GMA-7 titled Lilet Matias: Attorney At Law kung saan si Jo Berry na ang pinaka-bida sa Kapuso Afternoon Primetime.
Akala namin ay malaki rin ang role rito ni Superstar Nora Aunor, na tipong silang dalawa ni Jo Berry ang pinaka-bida tulad nga sa Onanay TV series nila noon.
Pero, sa preskon ng Lilet Matias: Attorney At Law na ginanap last week sa Session Hall ng Manila City Hall ay walang Nora Aunor kaming nakita at maski sa ipinalabas na trailer ng said TV series.
So, tinanong ni yours truly si Ate Guy kung kasama ba siya sa casting ng Lilet Matias: Attorney At Law with Jo Berry at iba pang veteran at newbie stars, at ang kanyang naging sagot ay... "Guest lang po ang role ko ru'n, 6 days taping lang. Meron pang natitirang 3 days taping at sa March na ang resume ko ng taping sa Lilet," pagkaklaro ni Superstar Ate Guy.
So there!
Ang makakasama ni Jo Berry sa Lilet Matias ay ang ilang veteran stars tulad nina Maricel Laxa, Sheryl Cruz, Rita Avila, Bobby Andrews, Glenda Garcia, Lloyd Samartino at sina Jason Abalos, Joaquin Domagoso at marami pang newbie stars sa direction ni Adolfo Alix, Jr..
Comments