top of page
Search
BULGAR

Kung dati, pang-dalaga lang… MISIS AT SINGLE MOM, PUWEDE NA SA MISS UNIVERSE!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 27, 2022



Maraming nagulat sa latest announcement ng Miss Universe Organization (MUO) na pinapayagan na nilang sumali ang married women at single mother simula sa taong 2023 o 72nd edition ng Miss Universe.


Matatandaang mula edad 18-28 lang at never na nagkaroon ng anak ang pinapayagang makasali sa Miss Universe.


Kaya sa bagong anunsiyong ito ng MUO ay maraming natuwang married women at single mothers dahil may chance na silang matupad ang kanilang pangarap na maging beauty queen someday.


Kaya naman natanong ang kilalang US-based Filipina skin expert na si Ms. Olivia Quido, CEO at founder ng O Skin Care and Medspa na nasa ika-apat na taong official beauty partner ng Miss Universe Organization na lumipad ng Pilipinas mula Los Angeles, California, USA para sa special event niyang Beauty Day in Manila na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel kamakailan.


Ayon kay Ms. O, “For me, it’s okay because you’re giving opportunity to those — from 18 to 28 — who wish to join but already have children. Now they have the chance. I think, it’s more of an equality and an opportunity, pantay-pantay.”


Pero may mga nagdududa kung kakayanin ba ng mga may-asawa na at single moms ang hectic na schedule para sa nasabing beauty pageant.


Katwiran ni Ms. O ay walang imposible kung talagang pursigidong maabot ang pangarap.


“There are lots of women who are wishing to become a beauty queen, so I think giving them the opportunity na kahit married at may anak na is a beautiful thing. I’ve also met women of that age (bracket) who wanted to join but got pregnant. Ako, I’m okay with that (new rule).


Gusto ko silang mabigyan ng chance to be on that stage and showcase their beauty and talent globally,” punto ni Ms. O.


Samantala, muling na-renew for another three years si Ms. O bilang partner ng Miss Universe na nagpo-provide ng skin care para sa mga kandidata.


“I’m on my 4th year na nagsimula akong maging partner nila noong 2019 and every 3 years ang renewal."


At sa nakaraang Beauty Day in Manila ay dumalo ang VIP friends o customers ni Ms. O. Talagang excited silang makita nang personal ang beauty skin care expert dahil parati na lang sa Zoom meeting o Facebook live nila nakakausap si Ms. O.


Naibahagi ni Ms. Olivia kung paano siya nakapagsimula sa Amerika noong 2003. Ang liit-liit pa raw ng clinic niya noon.


"We can only sit face-to-face at parang halos magkakabanggaan talaga ‘yung tuhod namin 'pag nakaupo,” she shared.


Kaya ganu'n na lang daw ang pasasalamat niya sa Diyos na dininig ang mga dasal niya.


Taong 2007 nang magsimula siyang magkaroon ng medspa pero kailangan niyang pag-aralan ito.


“Nag-aral rin ako paano gumawa ng nails, but every time our topic is skin care, super excited ako. That’s why from cosmetology, I went to skincare alone. It was 2012 when I started my second branch and then I started a TV show on The Filipino Channel called Beauty By O. It was a five-minute segment about beauty, the latest technology and the latest beauty treatment. The show was also featured on Balitang Amerika and on Rated-K.”


Likas na matulungin si Ms. O sa lahat ng tao, dahilan para mai-feature siya sa

Forbes Magazine dahil naging popular ang produkto niyang Secret Gold.


Bukod sa Forbes ay nai-feature na rin siya sa Elements Mag sa New York/Los Angeles, Contour of Luxury sa Beverly Hills, The Code of Style sa Los Angeles, Luxury Lux sa New York and Luxury Lifestyle at marami pang iba.

Nasubukan din niyang maimbitahan noong 2017 sa 46th Emmy Awards Academy Lounge Gifting Suite.


Ang mga celebrities na naging client niya sa kanyang LA clinic ay si American R&B singer Patti Austin at ang anak ni Michael Jackson na si Prince.


“Si Prince Jackson, doon s’ya nag-celebrate ng birthday sa spa,” sambit ni Ms. Olivia.


Samantala, busy as a bee si Ms. O dahil bukod sa nakipagkita siya sa pamilya niya rito sa Pilipinas na ilang taong hindi niya nakita dahil sa pandemya ay kinailangan niyang lumipad ng Bangkok noong Agosto 19 dahil naimbita siya ng Miss Universe Thailand para sa isang dinner at makilala na rin ang kanilang mga kandidata.


Sa Setyembre ay sa Ecuador naman siya papunta para sa product promotion sa Latin America market.


“I just came from Paraguay because a department store there opened a door for us na magiging headquarters to reach Latin countries,” masayang kuwento nito.


Makakapanayam naman siya ng King of Talk na si Boy Abunda para sa Private Conversations with Boy Abunda na gaganapin sa New York City, USA sa Setyembre 23 at inimbitahan din niya si Miss Universe 2021 Harnaaz Saur Kandhu para makasama niya at guest na rin.


Sa Oktubre ay patungo naman siya ng Dubai para pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga produktong pampaganda ng kutis na marami ang interesado.


Sa tanong kung saang bansa gaganapin ang susunod na Miss Universe beauty pageant ay walang diretsong sagot ang beauty expert.


Aniya, “The next country will be announced soon. Wala pang place but I’ll be flying with them wherever they go. This is my fourth year as the official skincare partner of Miss Universe,” pahayag ni Ms. Olivia Quido Co.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page