top of page
Search
BULGAR

Kung dati, paldo ang kita… DANIEL, NAGBEBENTA NA NG MGA SHARES SA MGA NEGOSYO

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 3, 2025



Photo: Daniel Padilla - Instagram


Sa pagpasok ng 2025 ay balita ngang nagdi-dispose na umano ng kanyang mga shares si Daniel Padilla.


Last year pa nga napabalita na diumano'y kinonsulta na ng aktor ang kanyang mga business partner at legal team kaugnay ng mga business ventures and investments niya.


At ang chika nga, nag-decide na itong mag-dispose at magbenta ng shares for the obvious reason nga na hindi na niya ma-manage at nag-iiba na ang kanyang economic condition.


Wala naman kaming nakikitang masama o pangit dahil parte naman talaga ng pagnenegosyo ang mga ganu’ng galawan. And yes, for practical reasons na hindi na gaya ng dati ang ‘buhay ekonomiya’ ni Daniel, karapatan niyang ayusin ang kanyang finances.


Unlike before na kaliwa’t kanan at halos buwan-buwan siyang may projects, nag-a-adjust lang si Daniel Padilla at nagpapakatotoo pagdating sa mga araw-araw na usaping pananalapi, ‘noh!


 

MEANWHILE, may mga netizens naman na tiningnan ang pinag-uusapang pagkain ni Kathryn Bernardo ng grapes under the table noong salubungin nila ang Bagong Taon.


Naging tradisyon na kasi sa pamilyang Bernardo ang mga ganu’ng bagay, kaya’t kumbaga ay pina-practice lang nila sa ganu’ng okasyon, lalo’t may kinalaman ito sa usaping yaman at pananalapi.


Kaya lang, may ilan tayong kababayan na bukod sa hindi nila pinaniniwalaan ang ganu’ng tradisyon, tinitingnan nila ito sa ibang bagay.


Para raw kasing ang suwapang sa pera at naghahangad ng sobrang yaman ang pamilya ni Kathryn, mereseng magmukha na itong engot na nasa ilalim ng mesa habang kumakain ng bilog na prutas.


Well, wala namang masama sa mga ganu’ng paniniwala at kaugalian kapag New Year, ‘noh! Ang mga tao talaga, may masabi lang, lalo’t obvious na naiinggit sila sa yaman ng mga Bernardo. Hahaha!


 

SA darating na Manila International Film Festival (MIFF) sa USA come January 30-February 2, 2025, kasama pala sa official entries ang Hello, Love, Again (HLA) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Yes, bukod sa 10 naging official entries sa MMFF, kasama ang movie ng KathDen. Meaning, kung official entry din ito, kasama rin sila sa posibleng manalo ng awards come its own version of awards night.


Ang team na nag-organisa ng MIFF ay pinamumunuan ni Meriden Angeles bilang producer at founding members naman nito sina Omen Ortiz, Ebradu Udarbe, Lisa Lew, Ruben Nepales, Celia Abaya-Dy, Leo de la Cruz, Erickson Ilog, Ron Ramores at Cindy Sison.


Medyo naintriga at naloka lang kami sa tsismis ng aming mga katsika from the USA na diumano’y iniimbitahan ng naturang team ang mga sobrang yaman na mga Fil-foreign businessmen na maging jury member as investment?


Hahaha! Hindi pa man nagsisimula ang second offering ng MIFF, may ganito nang intriga?


Uy, siyempre naman, negosyo ‘yan, ‘noh!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page