ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 12, 2024
Photo: Gretchen Barretto - Instagram
Sobrang nami-miss ng mga small workers sa showbiz si Gretchen Barretto ngayong Pasko.
Last year kasi ay namigay si La Greta ng ayuda, Christmas box para sa maliliit na manggagawa sa movie industry. May bigas, groceries at ‘yung iba ay nakatanggap din ng financial assistance.
Pati ang mga artista, talents, at bit players sa pelikula at telebisyon ay nakatanggap ng pamasko ni Gretchen. Marami siyang pinasayang taga-industriya.
Pero, dahil sa kontrobersiya ng e-sabong, kung saan meron siyang farm ng mga manok na panabong, medyo nag-lie-low at hindi na muna nagpakita sa publiko si Gretchen.
Walang makapagsabi kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni La Greta. Hindi na siya gaanong lumalabas. Ang mga private at personal na lakad na lamang niya ang nababalitaan kasama ang kanyang mga loyal friends.
Well, hopefully, one of these days, muling magparamdam si Gretchen Barretto sa showbiz at magpasaya sa Pasko.
Anaaak ng tupa naman! BILYONARYANG DATING AKTRES, HINUHUGASAN ANG LEFTOVER AT IPINALULUTO ULI SA MGA MAIDS
Paboritong topic ng mga kaibigang artista ang super rich na veteran actress dahil sa sobra nitong kakuriputan at pati sarili ay tinitipid upang hindi mabawasan ang kanyang yaman.
Kung tutuusin, bilyonarya ang veteran actress sa dami ng assets-properties na kanyang naipundar. Hindi katas ng showbiz ang yaman ng veteran actress, sadya lang siyang masipag, madiskarte, masuwerte at nakapag-asawa ng foreigner na mayaman.
Ang dami-dami niyang properties na nabili — ilang condo units, apartments, resort, farm, atbp..
Pero ang nakakatawa, kapag daw may party sa kanyang bahay, ang mga leftovers ng mga bisita ay kanyang iniipon at pinapahugasan sa mga maids, ipinare-recycle ito at iniluluto ulit. ‘Yun daw ang ulam nila nang ilang araw.
Bawal ding kumuha ng food sa ref ang kanyang mga katulong na hindi nagpapaalam dahil bilang niya ang laman nito.
Iniisnab na lang ng veteran actress ang showbiz at wala siyang balak balikan ang pag-aartista dahil sobra-sobra na ang kanyang kadatungan.
Mababago na ang mundo ng talent manager/businessman/influencer na si Wilbert Tolentino kapag lumusot ang Ahon Mahirap Partylist sa 2025 elections kung saan siya ang first nominee.
Hindi na kasi siya sa showbiz world sasabak, kundi magiging public servant at congressman na.
Hindi na siya magma-manage ng mga talents tulad nina Herlene Budol, Madam Inutz, atbp..
Ganunpaman, patuloy pa rin daw siyang tutulong at susuporta sa career ng mga dati niyang alagang artista.
At dahil sa magandang adbokasiya ng Ahon Mahirap Partylist, maraming celebrities ang sumusuporta rito at tumutulong sa pagpo-promote nang walang talent fee, as in libre, tulad nina Regine Velasquez, Katrina Halili, Herlene Budol, Madam Inutz, atbp..
Comments