ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Sep. 24, 2024
Dream come true para kay Jodi Sta. Maria na makagawa ng pelikula sa Regal Films.
Ang aktres ang lead star sa horror film na Untold na isa sa huling tatlong pelikula na naiwan ni Mother Lily Monteverde sa Regal Films bago ito pumanaw.
Dumalo si Jodi sa Regal Legacy, A Majestic Journey 60 Years and Beyond last Saturday at sinabing finally ay nakagawa na rin siya ng movie sa Regal.
“I grew up watching talaga ‘yung mga Shake, Rattle & Roll, Regal Shocker, ‘yan na, nagka-reveal-an na ng age,” natatawang sabi ni Jodi.
“So, when I became an actor, sabi ko, sana, one day, I get to work with Regal Films and then, it happened,” dagdag niya.
Pang-apat na horror film na raw niya itong nagawa in her career. Kung dati ay wala siyang mga ritwal sa tuwing gagawa ng nakakatakot na eksena, this time ay mayroon na raw dahil sa nangyari sa kanya nang gawin niya ang Clarita.
“In 2019, I did Clarita with Derrick (Cabrido, the director). After ng buong film, I think, ang daming nangyari sa ‘kin as a person, psychologically, and I had to take 2 weeks to 3 weeks off from work, du’n sa serye na ginagawa ko,” kuwento ng aktres.
Masyado raw siyang naging apektado ng mga ginawa niya sa film na kung anu-ano ang nakikita’t nararamdaman niya.
“I’ve been seeing things, dreaming of things, hearing things, ganyan,” aniya.
At na-realize rin daw niya kung bakit ganu’n ang nangyari.
“Looking back du’n sa experience na ‘yun, ano ‘yung mga bagay na na-miss out ko? Ano ‘yung mga bagay na ‘di ko nagawa na ‘di ko naalagaan ‘yung sarili ko du’n sa proseso?
“So, ang nagkulang sa ‘kin during that time was debriefing. So, hindi ko na-debrief ‘yung self ko habang ginagawa ko ‘yung character. So I felt like I was still the character kahit na I was doing other project that time,” aniya.
Ngayon ay natutunan na raw niya kung ano ang dapat gawin.
“So, ngayon, natutunan ko na before I go to set, I do a lot of prayer and meditation,” pagbabahagi ni Jodi.
“I also deliberately and consciously tell myself that this is not real, even though it is real emotions but everything else is imaginary, I am not my character, I am Jodi Sta. Maria,” sey pa ng aktres.
ALIW na aliw si Sharon Cuneta sa kumalat sa online na larawan ng isang handaan.
Sa photo ay makikita ang buffet table at sa itaas nito ay nakalagay ang larawan ni Sharon na may marking na X which means “bawal magbalot.”
Ini-repost ng Megastar ang nakakaaliw na larawan at sa caption ay tawa siya nang tawa.
“Hahahahahahaha! When I see buffets with my “balutin mo ako…” picture it makes me happy!!’ Good morning!!! I love you, have a blessed day!!! (heart and praying emoji),” caption ni Mega.
Ang pagkaka-connect ni Sharon sa mga nagbabalot sa handaan ay dahil sa kanta niyang Bituing Walang Ningning, kung saan ay may linyang “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…”
Kaya naman sa tuwing may taong nagbabalot or nagte-take-out ng handa ay ito ang kanilang kinakanta bilang pangangantiyaw.
Noon pa ay tinatawanan na ni Sharon ang ideyang ito at minsan nga ay siya pa mismo ang nagbalot ng handa habang kinakantahan ang sarili ng “Balutin mo ako. . .”
Hahahaha!
Comentarios