top of page
Search
BULGAR

Kung ang GF, kapit-tuko… GERALD, OBYUS NA SAWA NA AT NANLALAMIG NA KAY JULIA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 05, 2021




Marami sa mga sumusubaybay sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang nakakapansin na parang may sawa factor na ang aktor sa kanyang nobya.


Ibinase nila ang ganitong obserbasyon sa mga naka-post na larawan ng magdyowa sa socmed.


Si Julia kasi ang sobrang clingy, sweet at laging nakadikit kay Gerald kapag magkasama sila sa mga lakaran.


May instance pa na halatang si Julia lang ang sweet at hindi nakikita kay Gerald ang dati niyang sigla at interes kapag kasama ang nobya.


Kaya naman, marami ang nag-iisip na ito na nga ang simula ng panlalamig ni Gerald kay Julia. Ganitung-ganito raw kasi ang attitude ng aktor kapag nagsasawa at tinatabangan na sa kanyang karelasyon. Nakikita at nahahalata na wala siya sa mood at hindi na masaya tulad ng dati. Unti-unti na siyang kakawala at didistansiya, katulad ng ginawa niya noon kay Bea Alonzo.


Pero, magagawa ba ni Gerald kay Julia Barretto ang ginawa niya noon kay Bea? Palaban si Julia and for sure, hindi siya ang tipong magpapakamartir sa pag-ibig.


Maraming guys ang nag-aabang na maging single si Julia, habang si Gerald, sira na ang image sa mga babae dahil sa kanyang pagiging babaero.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page