top of page
Search
BULGAR

Kung ang aktres, game na game pa… BF NI AIKO, TANGGAP KAHIT 'DI NA SILA MAGKAANAK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 19, 2021




Wala sa hitsura ni Aiko Melendez ang edad 45 nang i-post niya sa kanyang Facebook page ang larawang nakasuot siya ng blue shirt, denim shorts na hanggang beywang ang taas at sneaker na naka-hair clip pa.


Kaagad nag-trending ang post na ito ng aktres at sinabing mukha siyang high school student na inakala namin ay si Marthena Jickain ang nasa litrato, ang dalagitang anak ni Aiko.


Natuwa nang husto si Aiko at kaagad naman niyang pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya.


“Hi, Guys, thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments.


“But I'd like to make a correction for those online food delivery claiming about my weight loss. My food is being delivered by Ketovegetarianph. Let’s give the credit to them.


“And also doing regular exercises at home. Thanks I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.


“I’m also taking cacao drink to keep me healthy and younger looking. So sa lahat ng nag-message sa akin, salamat! Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin natin 'yan.


“Good luck on your weight loss journey! And yes, wala po akong makeup! My hair extensions added sa bata-bataan na hitsura.”


Sadyang nagpapaka-healthy na ang aktres dahil mahirap magkasakit. Oo naman, kahit pa sabihing marami kang pera ay hindi lahat ay gumagaling. Sabi nga, "health is wealth."


At siyempre, gusto rin kasing makasama ni Aiko nang matagal ang mga anak niya lalo na kapag nagkatuluyan sila ng boyfriend niyang si Zambales Vice-Gov. Jay Khonghun at mabiyayaan siya ng mga anak.


Sabi nga niya, “Bata pa ako, Ate Regs, nagkakaroon pa ako.”


Pero siyempre, kahit bata pa, may mga iba rin na hindi agad nagbubuntis kaya tinanong namin sa ginanap na virtual mediacon ni Aiko kasama si VG Jay kung may plano silang mag-in vitro fertilization.


“Actually, inaalam ko ang proseso at may artista akong tinanungan tungkol diyan, baka I might have considered it,” sambit ng aktres.


Sundot naman ni VG Jay, “Siyempre, baby is always a blessing, kung ibibigay ni God ‘yan, siyempre, masaya. Na kay God kung ibe-bless niya kami. We will be so happy and complete. Pero kung (wala), our family naman is full of love, hindi rin naman magiging problema kung meron.”


Samantala, paakyat ng Baguio ngayong Linggo (Hunyo 20) si Aiko para sa locked-in shooting niya ng pelikulang Huwag Kang Lalabas mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. na magsisimula ang first shooting day sa Lunes, Hunyo 21.


Walang ibinigay na detalye sa amin ang aktres nang tanungin namin kung sino ang mga kasama at leading man niya na bawal pa sigurong i-reveal.


Anyway, sanay na si Aiko sa mahahabang locked-in taping o shoot dahil dalawang beses na niya itong nagawa sa teleseryeng Primadonnas sa GMA-7 noong nakaraang taon, kaya hindi na bago kung muli siyang mawawalay nang matagal sa pamilya niya.


Bukod dito ay kumpleto na niya ang COVID-19 vaccine kaya more or less ay safe na siya, pero susunod pa rin siya sa health protocols na ipinatutupad ng IATF at ng buong production.


Tinanong nga namin kung wala siyang mental health issues kapag nasa locked-in shoot siya na hindi niya nakikita ang mga anak at si VG Jay dahil may mga kakilala kami na talagang may kinakausap na psychiatrist to keep them stable.


“Wala pa namang side effects sa akin. Wala pa naman kasi idinadaan ko talaga sa Face Time. I communicate with them as much as I can para just to keep me sane,” pahayag ng aktres.


Binanggit din ni Aiko na babalikan niya ang pagsisilbi sa bayan at sana, palaring manalo sa 2022 bilang representante ng District 5 at ang boyfriend niyang si VG Jay ang kanyang adviser at campaign manager ngayon at siya rin ang kinakausap kung anong partido ang sasamahan ng aktres.


Siyam na taong nagserbisyo si Aiko bilang konsehala ng District 2 noon na hinati na, kaya may District 5. Serbisyo-publiko ang main goal nito sa mga constituents niya.


“At marami rin naman akong mga nagawang maganda sa distrito ko. Kaya malakas din naman ang loob ko na bumalik din sa naiwanan ko, dahil wala akong naiwan na hindi maganda,” say ni Aiko.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page