top of page
Search
BULGAR

Kumanta ng Oras Na, Lolo Jose, atbp… CORITHA, PUMANAW NA SA EDAD NA 73

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Sep. 29, 2024



Showbiz News

Sa vlog ni broadcaster Julius Babao sometime in July, 2024, nakita ng publiko ang status ng OPM legend na si Coritha na bedridden due to stroke. 


Sumikat si Coritha (Maria del Perpetua Socorro Arenas sa tunay na buhay) nu'ng dekada '70 for her protest anthem na Oras Na at iba pang kanta tulad ng Sierra Madre, Gising Na, O Kuya Ko; at Lolo Jose.


But too early, she died last Friday night, September 27, sa edad na 73 at ito ay kinumpirma ng kanyang partner na si Chito Santos kay Julius Babao in a video posted sa YouTube (YT).


Anyway, may her soul rest in peace sa kingdom of our Heavenly Father Lord God Jesus Christ. Amen.


 

SAMANTALA, tinanong naman ni yours truly si Sen. Bong Revilla, Jr. kung ano ang kanyang birthday wish last Sept. 25.


“Ang isa, para sa bayan, ‘yan ang wish ko,” ang kanyang naging kasagutan.

Dagdag niya, “At ma-reelect uli ako bilang senador.”

‘Yun na! 


Sana nga, matupad ang kanyang wish. Pero ang birthday wish namin sa kanya ay maging presidente siya ng bansang Pilipinas sooner than soon dahil sa sobra niyang matulungin sa ating mga kababayan lalo na sa mga needy ones.


 

UMANI ng walong parangal ang ABS-CBN at itinanghal na National Winners sa 2024 Asian Academy Creative Awards. 


Ang mga nanalo ay lalaban sa pinakamagagaling sa Asya sa Grand Awards na gaganapin sa Disyembre sa Singapore.


Ang mystery-thriller serye na Linlang, na unang ipinalabas sa Prime Video, ang itinanghal na big winner at tumanggap ng tatlong parangal para sa Best Drama Series, Best Actor in a Supporting Role para kay JM de Guzman, at Best Supporting Actress para kay Kaila Estrada.


Wagi rin si Box Office Queen Kathryn Bernardo ng Best Actress in a Leading Role para sa kanyang comeback film, ang A Very Good Girl (AVGG).


Tumanggap din ng parangal ang seryeng pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ang What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK), isang adaptation ng Viu at produkto ng ABS-CBN, at naiuwi ang Best Adaptation of an Existing Format.


Ang direktor ng Can’t Buy Me Love (CMBL) na si Mae Cruz-Alviar ay nagwagi rin sa kategoryang Best Direction (Fiction).


Ang patok na entertainment programs na It’s Showtime (IS) at ASAP Live in Milan ay nanalo rin ng Best General Entertainment Program at Best Music or Dance Program awards respectively.


Pinaparangalan ng Asian Academy Creative Awards (AAA) ang mga pinakamagagaling mula sa 17 bansa tulad ng Australia, New Zealand, Bangladesh, Cambodia, Chinese Mainland, Hong Kong, Saudi Arabia, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand at Vietnam.


Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok o bisitahin ang ABS-CBN website. 

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page