top of page
Search
BULGAR

BSP: Walang bagong banknote design

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hindi ito naglabas ng mga bagong disenyo ng salaping papel.


Ito ay matapos lumabas sa isang satirical news website na ibinabahagi sa social media ang 500-piso commemorative banknote na bagong gawa umano ng BSP.


Pinapaalalahanan ng BSP ang publiko na maging mapanuri at hinihikayat din na ipagbigay-alam sa pulisya o sa Payments and Currency Investigation Group ng BSP (email address: currencyinvestigation@bsp.gov.ph) ang sinumang gagamit ng naturang pekeng pera.


Sa ilalim ng Republic Act No. 10951, ang mga namemeke ng pera ng Pilipinas ay maaaring patawan ng parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa 12 taon at 1 araw at multang hindi hihigit sa dalawang milyong piso.


Samantala, ang BSP ay regular na nagsasagawa ng public information campaigns upang ipaalam sa publiko ang design, security features, at proper handling ng Philippine currency at maging ang relevant laws, policies, at programs.​


コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page