top of page
Search

Kumalat na buntis... SIGAW NI HIPON: 'DI AKO NAGPALAGLAG

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 7, 2021





Nakasanayan na ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl ang mga intriga sa showbiz. Naranasan na rin kasi niya ang ma-bash dahil sa kanyang mga pinaggagagawa sa kanyang vlogs.


Siya ay nilalait at pinagtatawanan kapag may mali siyang nasasabi at nagagawa. Kung anu-ano rin ang tsismis na ikinakalat ng kanyang mga bashers.


Nabalita na may sugar daddy daw na sumusuporta sa kanya. Kaya naman, sa guesting ni Hipon Girl sa programang Tunay na Buhay hosted by Pia Arcangel, sinagot at binigyan ng linaw ni Herlene ang mga tsismis sa kanya.


Isa na rito ay ang tsismis na nagbuntis siya kaya pansamantalang hindi napapanood sa telebisyon.


Nabalita rin na nagpa-abort siya sa kanyang ipinagbubuntis.


Diretsahang itinanggi ni Hipon Girl na siya ay buntis. Kaya lang daw siya nagpunta sa isang clinic ay upang ipagamot ang kanyang almoranas.


May mga fans na nagpa-picture sa kanya noong nasa clinic siya at du'n na kumalat ang tsismis na nagpa-abort siya.


Ayon pa kay Herlene, kaya matagal siyang hindi nagge-guest sa TV ay dahil naka-locked-in taping sila sa Never Say Goodbye kung saan isa siya sa cast.


Kasama niya rito sina Klea Pineda, Lauren Young, Jak Roberto, Snooky Serna, Mosang, atbp.!


Abut-abot ang pasasalamat ni Hipon Girl kay Willie Revillame at sa programang Wowowin dahil dito siya nadiskubre at nabigyan ng chance na maging co-host ni Willie.


Ito ang nagbukas ng pinto para siya makapasok sa showbiz. Habambuhay siyang tatanaw ng utang na loob kay Revillame!

Komentarze


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page