top of page
Search
BULGAR

Kumakalat na bagong number coding scheme, fake news — MMDA

ni Gina Pleñago | April 28, 2023




Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa kumakalat na pekeng number coding scheme.


Naglabas ng abiso ang MMDA para sa mga motorista kaugnay sa kumakalat na maling impormasyon sa social media na may bagong number coding scheme na paiiralin ang ahensya.


Wala umano itong katotohanan, ayon sa naturang ahensya.


Batay sa ahensya, nananatili ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.


Nanawagan ang MMDA, na pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan.


Sakaling may natatanggap na mensahe o post sa social media ukol sa number coding at nais itong iberipika, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official page sa Facebook, Twitter, at Instagram.


0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page