ni BRT | June 29, 2023
Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) laban sa mga gumagamit ng pekeng National Certificate.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto John Bertiz III, bukod sa pagkakakulong, pwedeng ma-blacklist ang isang indibidwal na gumagamit ng pekeng National Certificate sa bansang nais pagtrabahuan nito.
Pagbibigay-diin pa ni Bertiz na bakit pa kailangang bumili ng pekeng certificate kung libre naman itong makukuha sa ahensiya.
Una nang binigyang-diin ng TESDA na isa sa mga prayoridad ni Secretary Suharto Mangudadatu ay ang pagtiyak ng integridad ng certification system at pagpigil ng paglaganap ng mga pekeng National Certificates.
Una nang naiulat na may mga nagbebenta umano ng pekeng certificate at driver's license.
Ito ay kasunod ng mga napaulat na may mga nagbebenta pa rin ng pekeng NC at driver’s license.
Comments