top of page

Kristoffer: Best decision in life kong piliin si AC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2024
  • 1 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 5, 2024




Happy at proud na nag-post sa Instagram ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin kasama ang kanyang non-showbiz partner na si AC Banzon ng celebration ng kanilang second anniversary sa isang magarbong restaurant.

Ani Kristoffer sa kanyang post, “Celebrated my best decision in life” at dagdag pa niya ang pagbati ng “Happy 2nd Anniversary my love. 2 years na tayong tama sa mata ni Lord. Mahal kita lagi.”


Umani ng mga pagbati ang kanyang post mula sa mga kaibigan sa showbiz at isa na rito si Jak Roberto na nagsabing, “Happy Anniversary Tols.’’


Taong 2021 nang isapubliko ni Kristoffer ang karelasyong si AC kasunod ang pagpapakilala sa kanyang anak na si Precious Christine na mas kilalang Pre.


Pero sa kabila ng pagkakaroon na ng anak, nagpatuloy pa rin ang actor sa kanyang career.


Ngayon ay patuloy siyang nag-aaral ng jiu jitsu training para sa kanyang kontrabida role bilang Seb sa Kapuso Afternoon Prime series sa GMA kasama ang mga bidang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na maaari nang mapanood sa Kapuso Channel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page