ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 30, 2023
El Niño na naman.
Ilang dekada na tayong laging apektado ng El Niño, ngunit tila nabubulaga pa rin tayo tuwing tag-init at lumalabas na salat na pala ang ating water supply.
May kasalukuyan tayong krisis sa pagkain at tubig.
Ang tanong, ano ang plano ng pamahalaan para matugunan ang mga ito, lalo na sa harap ng dagdag na hamon ng El Niño?
☻☻☻
Mainam sanang ngayon pa lang ay ibahagi na ng National Water Resources Board at iba pang ahensya ang kanilang komprehensibong water resource plan, water allocation and reuse policy hanggang sa local level para ma-implementa ito mula taas hanggang sa mga pamayanan.
At ilang rainwater collection system na nga ba ang nagawa alinsunod sa Republic Act 6716 para sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa?
Sino ang in-charge sa maintenance, ilan dito ang sira na, ang kailangan i-rehabilitate o ilan na lang ang gumagana?
☻☻☻
Bagama’t ang isyu ng water crisis ay responsibilidad nating lahat, hindi puwedeng magkulang ang pamahalaan dahil ito ang may pinakamalaking papel dahil tungkulin nitong mangasiwa at ingatan ang interes ng lahat.
Ayaw na nating bumalik sa pilahan at umabot na naman tayo sa pagrarasyon.
Nasa recovery stage na tayo mula sa pandemya. Huwag nating hayaan na mawala ang mga napagtagumpayan na natin.
Tutukan natin ang mga krisis na ito sa lalong madaling panahon.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Commentaires