ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/6bbb76_3b62b20ad3d1467dac87f976d020f3fa~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/6bbb76_3b62b20ad3d1467dac87f976d020f3fa~mv2.jpg)
Hindi pinalagpas ni Kris Bernal ang isyung ibinabato sa kanya na nagpagawa diumano siya ng ilong.
Ayon sa celebrity mom, maraming beses na raw siyang nasentro sa ganitong mga isyu kaya naman sinampal niya ng malaking "False!" ang madla sa isang Instagram (IG) story.
Sey ng aktres, "A lot of people think I had a nose job, but I was born with a matangos na ilong."
Ito ay matapos na may magtanong sa kanya sa serye niya ng True or False sa IG stories.
Nag-flex din ang aktres ng kanyang throwback photo nu'ng siya'y 12-anyos pa lang para tuluyang wakasan ang nose job allegations.
Comments