top of page
Search

Krimen sa M. Mla., bumaba — NCRPO

BULGAR

ni Gina Pleñago @News | Feb. 3, 2025



NCRPO Acting Director, P-Brigadier General Anthony Aberin

Photo File: NCRPO Acting Director, P-Brigadier General Anthony Aberin


Sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan naging mas mababa ang krimen o index crimes rate sa Metro Manila kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taong 2024.


Sa pagpapatuloy ng momentum, naipatupad umano ang Able, Active and Allied (AAA) policing approach sa 8 focus crimes, na pinasimulan ni NCRPO Acting Director, P/Brigadier General Anthony Aberin, naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 19.61% pagbaba ng Index Crimes ng  Enero 1-31, 2025.


Nasa 451 ang kabuuang naitalang krimen na mas mababa ng 110 kumpara noong nakaraang taon.


Bumaba ang mga insidente ng rape sa 46.49%, physical injury na 37.14%, homicide na 28.57%, murder na 17.65%, at robbery na 23.05%.


Naitala rin ang 92.46% para sa crime clearance efficiency at 72.73% para sa crime solution efficiency, ayon pa sa NCRPO.


Kamakalawa ng Pebrero 1 mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga ng Peb. 2 ay nakapagtala naman ng 53 naaresto sa isinagawang 39 anti-criminality operations; nahuli ang 44 na top wanted, most wanted, at other wanted persons; sa illegal drugs ay 123 ang naaresto sa 46 operations na isinagawa at nakumpiska ang nasa P3,031,984.00.


Umabot sa 6,042 naman ang nahuli sa paglabag sa lokal na ordinansa na may katapat na multang P1,651,800.


0 comments

Recent Posts

See All

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page