by Info @Editorial | August 27, 2024

Muli na namang sumalakay ang masasamang-loob nang holdapin ng lima katao ang isang kainan sa Marilaque Highway, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal.
Habang kumakain ang mga complainant ay bigla umanong may pumasok na limang lalaki na lulan ng tatlong motor, saka umano nanutok ng baril at nagdeklara ng holdap.
Tinangay din umano nito ang mga cellphone at IDs ng pitong customer.
Ang pangyayaring ito ay tila nagpapakita ng kakulangan sa epektibong pagpapatrolya at mabilis na pagresponde ng mga otoridad.
Hindi ba’t ang pangunahing tungkulin ng mga pulis ay tiyakin ang kaligtasan ng publiko? Ngunit bakit tila nagiging pangkaraniwan na lamang ang mga insidente ng karahasan sa ating lipunan?
Dahil sa paglala ng krimen sa ating bansa ay nagdudulot na ito ng takot at pangamba sa taumbayan.
Panawagan sa kinauukulan, mas palakasin pa ang kanilang programa at patuloy na maghanap ng solusyon upang mapababa ang insidente ng krimen.
Ang pagpapatrolya ng mga pulis, paglalagay ng mga CCTV, at ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at komunidad ay maaaring makatulong upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Gawin nating mas ligtas ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagtutulungan.
留言