ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 19, 2024
Binaril ang isang sasakyan na pag-aari ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. nitong Martes ng umaga.
Inihayag ng BuCor na isang Toyota Hilux na may plate number na WDQ-811 ang binaril ng mga hindi kilalang salarin, habang papunta ito para sunduin si BuCor Deputy Director General Al Perreras.
“Catapang said that both he and Perreras have been receiving death threats since they implemented various reforms in the agency and this incident will not deter them from continuing what they started,” pahayag ng BuCor.
“Perreras refused to comment at the moment,” dagdag nito.
Nangyari ang insidente bandang 6:30 ng umaga sa Skyway.
Ayon sa BuCor, wala sa loob ng sasakyan si Catapang o Perreras nang maganap ang pamamaril.
Sa oras ng pangyayari, sakay ng sasakyan ang mga security escorts na sina CO1 Cornelio Colalong at CO1 Leonardo Cabaniero.
Walang iniulat na nasaktan sa insidente.
Comments