ni Lolet Abania | September 12, 2020
Isang AUV ang nahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area ng Philippine Port Authority (PPA) at bumasak sa isa pang SUV sa Port Area, Manila kahapon.
Human error ang tinitingnan ng pulisya na dahilan ng pagkahulog ng AUV mula sa ikalawang palapag ng parking area at pagbagsak nito sa isa pang SUV na nakaparada sa bangketa ng PPA.
Ayon din sa ilang nakasaksi, biglang lumusot mula sa 2nd floor ng parking area ng PPA ang AUV na may plate number ZMC 127 at bumagsak sa SUV na may plate number UJO 632.
Sa report ng pulisya base sa kuwento ng driver ng AUV, magpa-park lamang ito nang biglang dumiretso at nahulog ang minamanehong sasakyan.
Duguan ang ulo ng driver ng AUV at isinugod agad sa malapit na ospital. Wala ang driver ng SUV nang oras na iyon dahil may training ito sa trabaho at nakiparada lang sa bangketa ng PPA, ayon pa sa awtoridad.
Wala nang ibinigay na ibang detalye ang pulisya tungkol sa dalawang driver.
Comentarios