top of page
Search
BULGAR

Korte, 2 beses inisnab kaya inaresto… NERI, MAY 200 PLUS NA BIKTIMA, KASO MADARAGDAGAN PA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 4, 2024



Photo: Neri Miranda - Instagram


Nailipat na pala sa BJMP si Neri Naig mula sa kustodiya ng Southern Police District na umaresto sa kanya sa isang convention sa Pasay City nu'ng November 23.


Nu'ng unang pumutok ang balita, may lumabas na nagpiyansa naman si Neri para sa kasong estafa at 14 counts ng violation ng Sec. 28 ng RA 8799 o Securities Regulation Code.


Pero dahil hindi pala simpleng kaso ito at ang balita ngang nakarating sa amin ay may mahigit pa sa 200 biktima ang nakaambang magreklamo rin laban sa misis ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda, mukhang matatagalan pa nga sa kulungan ang dating aktres-turned entrepreneur habang ongoing ang kaso.


May naging pahayag din si Police Major Hazel Asilo ng SPD sa isang panayam sa kanya sa DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo na ayon sa nakarating sa kanilang impormasyon, dalawang beses daw hindi sinipot ni Neri ang pagpapatawag sa kanya ng korte kaya inaresto na ito.


Parang duda rin si PMaj. Asilo sa sinabi ng kampo ni Neri na wala silang kaalam-alam sa kasong isinampa sa kanya dahil taong 2022 pa raw nagsimula ang kaso at nagkaroon na rin nga ng preliminary investigation at subpoena sa aktres na hindi nga raw nito pinansin.


Samantala, may nakapagbulong din sa amin na isang malaking tao sa showbiz ang nakalaban ni Neri at nasagasaan nito na nasa likod ng pagdedemanda at pagpapaaresto sa kanya. 


 

Para sa Pieta nila ni Nora…

ALFRED, 3 BESES NAG-BEST ACTOR SA JAPAN


Photo: Alfred Vargas


Congratulations kay QC 5th District Councilor Alfred Vargas para sa historic "three-peat" win nito as Best Actor para sa latest film niyang Pieta.


The acclaimed full-length film na bida rin sina National Artist Nora Aunor and multi-awarded actress and director, Gina Alajar, mula sa direksiyon ni Adolf Alix ay nagbigay ng award para kay Alfred Vargas as Best Actor in both the 72nd FAMAS Awards and the 3rd WuWei Taipei International Film Festival.


Sa tanong kung ano'ng feeling niya sa pagtanggap ng award, aniya, "I am very humbled and proud to receive this award! To God be the Glory! Ang daming nominees from other countries like Japan, Korea, Indonesia among others, at nakakataba ng puso na na-recognize 'yung performance natin for PIETA. 


"I am very honored kasi international recognition ito at kahit papa'no ay na-represent natin ang Pilipinas dito at naiwagayway natin ang ating bandila together for other Pinoy awardees. 


"Kayang-kaya talaga nating makipagsabayan sa world stage at ang creativity at talent ng Pilipino ay walang kaparis! 


"I want to thank our Superstar Ms. Nora Aunor for accepting this project. Kay Direk Gina Alajar for guiding me and always supporting me pagdating sa improvement ng aking craft. And kay Direk Adolf Alix for bringing everyone together for this film. Kung wala sila, wala ako dito ngayon.” 


Ang kanyang third “Best Actor” award for the mother-son suspense drama na Pieta na mula sa Ima Wa Ima Asian International Film Festival in Osaka Japan ay nagpapatunay lang ng positive momentum ng pelikula and Alfred’s entry into the rare and exclusive list of “3-peat-in-one-movie-best-actors” tulad nina Piolo Pascual, Christopher de Leon, Allen Dizon, at Coco Martin. 


The event was organized by the Global Maharlika in Kansai, the Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union in Japan, and the Kyomigaru Creative Collective Group, Japan. 


Layunin ng award-giving body na ma-recognize ang remarkable Asian creativity and talent. 


The Entertainment Special Awards extend this objective to, not only filmmaking, but

also in television and new media content. 


Naganap ang awarding ceremony last December 1, 2024 at the massive Sumiyoshi Main Hall at the heart Osaka, Japan’s prestigious City Hall.

Marami ang na-touched na sa kanyang speech, tinawag ni Alfred sa stage ang kanyang anak na si Cristiano at in-offer dito ang award bukod sa kanyang asawa at tatlo pang anak.


“Anak (Cristiano), para sa iyo ang award na ito. Pinaghirapan ito ni Daddy. Always remember that I will always be by your side no matter what. Reach for your dreams. At kung mangangarap ka na rin lang, mangarap ka nang malaki. Don’t forget, balang-araw when you’re successful at nasa rurok ka na ng tagumpay, nasa itaas ka na, huwag mong kakalimutan na lalong tumulong sa mga mas nangangailangan, 'yung mga nasa ibaba, huwag mong kalimutan. Tsaka family is everything, anak,” aniya. 


Aside from their Best Actor win, Pieta also bagged the Best Screenplay award for screenwriter, Jerry Gracio.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page