top of page
Search
  • BULGAR

Korean show, ‘di natuloy… LIZA, BANONG UMARTE, INAYAWAN NG KOREAN INVESTORS

ni Julie Bonifacio @Winner | September 6, 2024



Showbiz News

Tukoy na tukoy ng mga netizens ang isang blind item na nag-trending sa X (dating Twitter) na ganito ang laman, “So lumayas na si actress sa talent management n’ya. No movement daw kasi ang career n’ya.  


“She was promised a Korean show. But according to Management, she was rejected by K-investors for her mediocre acting skills.  


“She was just a pretty face after all,” sabi pa sa blind item.  


Si Liza Soberano raw ang tinutukoy sa blind item, ayon sa mga netizens.  


Sey nila, “LIZA SOBERANO.”  


“SHE CAN’T ACT. HOPE SHE CAN.”  


“Akala ko ba acting s’ya du’n sa Hollywood, bakit nag-model na? Lumiko ng landas?”  

Dinepensahan naman si Liza ng kanyang mga followers.  


“She’s successful in her field now and she’s getting a modeling career. Pinagsasabi mo?”  


“She’s not a mediocre actress rin. Ang daming mediocre actresses sa Sparkle at ABS-CBN kumpara sa kanya.”  


“Pretty face after all when her debut Hollywood acting received unanimous acclamation from legitimate & well-known Hollywood critics? 


“She also has a Hollywood movie but can’t announce it yet. Stop peddling fake news, she’s doing 3 projects with 2 co-producers from Hollywood and South Korea. ‘Wag ATAT.”  


‘Yun naman pala. Meron pa ring 3 projects si Liza at ang bongga dahil magka-collab pa ang dalawang gagawin niyang projects sa Hollywood at South Korea (SoKor).


Nilinaw din ng isang netizen ang tsika na wala na si Liza sa talent management ni James Reid na Careless.  


James Reid

“Sa interview ni Boy, sinabi ni James na under pa rin sa kanya. Hahaha!”  

Pero meron ding nag-post tungkol sa “makulimlim” na career ni James.  


Sey pa ng isang source, “Eh, ang chismis, itina-try ulit ni J pumasok sa mainstream kasi bankrupt na ang kumpanya n’ya.”  

Sabeee?


 

GALAK na galak ang buong produksiyon at cast ng Malditas In Maldives (MIM) nang magwagi ito ng Best Picture sa WuWei Taipei International Film Festival. 


Hindi namin ito inaasahan dahil hindi ito ‘yung typical na pelikula na madaling sakyan,” sabi ni Direk Njel de Mesa na sanay nang tumanggap ng parangal para sa kanyang sining (katulad ng mga Aliw at Palanca Awards).


“Kinukutya kasi namin sa pelikula ang mga taong may short attention span dahil sa social media consumption sa pamamagitan ng pag-loop ng kuwento.”


Nanalo ng Best Picture ang kanilang dark comedy at tinawag ng mga kritiko sa Taipei bilang isang natatanging pelikula na may hindi inaasahang plot twist!


Ang prestihiyosong parangal ay iginawad sa matagumpay na ikatlong WuWei Taipei International Film Festival, Philippine Night Awarding Ceremony sa Westar Theater, Taipei Cinema Park, Ximending, Taipei, ng jury ng Filcom Taiwan Network (FTN), EEC, Maryknoll, at marami pang iba na nag-organisa ng event—sa tulong ng Taipei Film Commission.


Nagpasalamat si Direk Njel sa lahat ng mga organisasyon at indibiduwal tulad nina Senator Bong Go, Surge, at 1-PacMan Partylist na sumuporta sa Philippine Delegation na isang bahagi lamang ng Taipei Film Festival.


“Hinding-hindi namin magagawa ito nang wala ang mga taong naniniwala sa ‘min, katulad ni Senator Bong Go,” pahayag ni Direk Njel sa kanyang acceptance speech. 


Dugtong pa niya, “Nalimutan ko noon pasalamatan dahil sa kawindangan ko, ang co-producer namin na si Arci Muñoz... gusto ko lang sabihin na si Arci ang nagbigay ng pakpak sa ‘kin. 


“Arci, you have given me wings to be who I am and to do these films. You are the person who truly sees and believes in my vision and brilliance. Thank you to you, my sister.”


Naging magkapatid na ang turingan ng co-producing tandem na Direk Njel at Arci Muñoz. 


Ang pelikula ay tinawag din na isang art film na nagkukubli bilang isang commercial comedy film. 


Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan nga ba mapapanood sa ‘Pinas ang natatanging pelikula na ito na pinagkakaguluhan abroad.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page