ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 13, 2024
Sa interview ni Nelson Canlas kay Tom Rodriguez, inamin ng aktor na may anak na siya at 4 months old na ang baby boy niya.
Sinabi rin nitong Korben ang pangalan ng baby, pero wala siyang binanggit kung sino ang mom ng bata.
Sa tanong ni Nelson kung ano ang feeling na maging first-time dad, sey niya, “I feel great. He’s my greatest source of inspiration.”
Sa mga susunod na interbyu sa aktor, papangalanan na siguro nito ang mom ng kanyang baby boy. Sana, magkuwento rin si Tom Rodriguez kung paano sila nagkakilala ng mommy ng kanyang baby boy dahil marami ang interesado.
Sinorpresa nu'ng b-day para gumaan ang loob…
AI AI, MALAS SA ASAWA, SUWERTE RAW SA MGA ANAK
Sa gitna ng tsikang hiwalayan nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan at Sue Ramirez at Mayor Javi Benitez at ang tukaan nina Sue at Dominic Roque, lumutang ang balita na baka engaged na sina Nadine Lustre at boyfriend nitong si Christophe Bariou.
Dahil ito sa note ni Christophe na, “Can’t wait to discover and conquer the world with you.”
Ang feeling ng mga nakabasa sa note na ito ni Christophe, engaged na sila ni Nadine, ayaw lang daw ipaalam.
Ipinost ni Nadine ang note ng boyfriend sa Instagram (IG) niya at nag-comment ng, “Man, oh man, you’re my best friend. I scream it to nothingness.”
Sabi naman ng mga fans ni Nadine, lyrics sa isang song ang ipinost ni Christophe dahil naalala nilang sa isang interbyu ni Nadine, nabanggit na hindi pa sila engaged. Pero, ang comment sa IG ni Nadine, may emoji ng wedding ring.
Samantala, aliw ang promo ng Mentorque at Project 8 Projects sa launching ng cast ng Uninvited na isa si Nadine sa mga bida kasama sina Aga Muhlach at Vilma Santos. Invited ang mga gatecrashers at ang tanong nila, “Are you ready to gatecrash our party at Solaire North?”
Ang daming nag-participate, kaya siguradong masaya ang grand launch ng cast sa MMFF entry ng Mentorque at Project 8 Projects. May kani-kanya silang entry at ibig sabihin, tutok sila sa promo ng movie.
And speaking of Nadine, ‘yung teaser drop ng movie tampok ang aktres bilang si Nicole ay umabot sa 10 million views in 24 hours sa lahat ng platforms.
Excited na nga ang mga fans ni Nadine Lustre at ang mga moviegoers to watch Uninvited na bida rin sina Vilma Santos at Aga Muhlach.
Pinasaya nina Sancho Vito at Seth delas Alas ang mom nilang si Ai Ai delas Alas na kanilang sinorpresa sa birthday salubong nito.
Birthday ni Ai Ai noong November 11, kaya November 10 siya sinorpresa ng mga anak sa bahay nito.
Sa video na napanood, makikitang may hawak na bouquet of flowers si Sancho at hawak ni Seth ang birthday cake. Nang iabot na ang bouquet, si Sancho na rin ang nag-abot ng birthday cake kay Ai Ai na nag-blow ng candle.
Sabi ni Sancho Vito, “Happy Birthday to the woman who gave us everything — love, strength, wisdom, and endless support. Ma, you are the heart of our family and the light of our lives. Thank you for being the incredible, loving, and inspiring woman you are. Here’s to celebrating YOU today and always!”
May mensahe naman si Ai Ai sa kanyang mga anak, “Kakaiba man ang pangyayari sa espesyal sana na araw na ito pero mabait ang Panginoong Diyos, binibigyan N’ya ako ng mga taong makakapagpagaan ng mga dalahin. Sobrang salamat po, Lord, sa gift of life and mga anak kong lalaki, kay Sancho at (kay) Andrei, thank you so much, mga anak sa salubong ng aking kaarawan.
“Simple and sweet and from the heart, ang swerte ko, may mga anak akong katulad n’yo. Panganay and bunso, mahal na mahal ko kayo. Again, mga anak, salamat sa araw na ito, Sancho Vito Delas Alas, Seth De Las Alas.”
SPOTTED ang ilang Kapuso stars sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong isang araw. Wala silang panonoorin na show dahil sarado pa ang CCP na under renovation. Wala rin silang shooting o taping doon.
Kaya nasa CCP Complex sina Kyline Alcantara, Euwenn Mikaell, Lexi Gonzales, Juancho Trivino at Jackie Lou Blanco ay para sa grand audition sa Cinemalaya 2025.
Pumila ang mga nabanggit kasama ang ibang artista, talents at hopeful na makasama sa Cinemalaya films for next year.
May mga shows sa GMA ang mga nabanggit, kaya mali ang mga bashers na nag-comment na kaya nag-audition sila dahil wala silang ganap sa kanilang network.
Comments