top of page
Search
BULGAR

Kontrolado ng GF na si Chloe… CARLOS, PAMBANSANG UTU-UTO, PAMILYA YULO, 'SQUAMMY FAMILY'

ni Ambet Nabus @Let's See | September 11, 2024



Showbiz News

Well, gaya ng karamihang Pinoy na nauuta na sa mga galawan-sagutang Yulo family versus Chloe San Jose (ang daling nakakuha ng kasikatan kahit in a nega way), we believe na lilipas din ang lahat. 


Kesyo kinulam o may kakaibang “potion” na ipinakakain o ipinalalaklak kay Caloy o kung anong mga ‘bed exercises’ ang ginagawa ng palabang blondina kuno, the fact remains, “kontrolado” niya ang Olympic medalist. 


Kung tutuusin, wala talagang nanalo sa isyung ito. Lahat sila ay talunan sa aspetong nakaladkad na sa publiko ang mga “baho” nila. Humiga man sa salapi at tumira man sa mararangyang bahay sina Caloy at Chloe, hindi nila sure ang future. 


Samantala, may bagong bansag na pala kay Caloy na tinatawag ngayong Pambansang Utu-Uto, habang “squammy family” naman daw ang pamilya Yulo. 


Hmmm... 23 years ago today nang gulantangin ang buong mundo nang atakihin ng al-Qaeda group ang World Trade Center sa USA. Lahat ay apektado ng balita at mga pangyayari. 


Wala pang 20 years nang manggulantang din sina Charice Pempengco at Manny Pacquiao at ilagay din ang mapa ng Pilipinas sa global world of sports and entertainment. Lahat ng mga ‘phenomena’ na 'yan ay ilan lang sa mga samples na unti-unting nabubura sa isipan ng marami. Tanging mga pictures o videos na lang ang naiiwan para sila’y i-recall. 


Good or bad, mauuwi sa memories ang lahat. Aware kaya sina Caloy at Chloe kung kilala o alam nila ang mga ganyang pangyayari? 


Ay, baka sagutin pa tayo ng “ewan” dahil sa ngayon, lunod na lunod pa sila sa kung anuman. Hahaha! Aguy ko po!


 

BONGGA na naman ang mga eksena sa Senado ngayong nahuli na si Alice Guo. 

Noong Lunes, kesehodang mala-pelikula ang naging tanungan ng mga senador natin sa fugitive ex-mayor. Muli na namang nasaksihan ng madla ang pagsambulat ng emosyon ni Senador Jinggoy Estrada dahil sa paraan ng pagsagot ng tinatanong in aid of legislation. 


Pati sina Sen. Bong Revilla, JV Ejercito, Joel Villanueva, Bato dela Rosa, at siyempre, si Risa Hontiveros ay hindi nagpatalbog sa tanungan at pagkontrol ng kanilang “pikon moment”. 


Marami naman ang naghahanap kina Sen. Robin Padilla at Sen. Lito Lapid para raw makumpleto na ang mga eksenang aksiyon sa hearing. 


“Baka naman sa moment ni Pastor Quiboloy sila eeksena?” sey ng mga netizens. 

'Kaloka!!!


 

Fans, wa' na paki sa mga dating idol…

LIZA AT ENRIQUE, PAREHO NANG LAOS 


Yulo Family - Angelica Poquiz Yulo

ISA pang klasikong halimbawa ng tila nawalan na ng interes ang madla ay si Liza Soberano. 


Last June pa raw ito nawala sa poder ng pag-manage ng Careless ni James Reid at ayon sa mga bashers ng aktres, may bago na ring boyfriend? 


Siyempre, para sa mga LizQuen (Liza at Enrique) fans na gaya namin, fake news ‘yun

pero kahit si Enrique Gil ay tila hindi na rin ganu’n ka-visible sa mga ganap niya, matapos ang tila hindi kalakas na resulta ng last movie venture niya.


Walang kumpirmasyon, walang denial, or whatsoever kaya’t sinasabi ng marami na tuluyan na raw nawalan ng ningning ang pangalan ni Liza. 


But then again, kung pagbabasehan naman ang mga fashion magazine covers ni Liza at iba pang anik-anik na ganap kahit maliliit o walang publicity, mukhang active pa rin naman siya. ‘Yun nga lang ang tanong, may nagkakainteres pa ba? 

‘Yun ang aguy!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page