ni Lucille Galon @Special Article | Dec. 24, 2024
Photo: Gigi De Lana - Instagram
Sa latest episode ng Showbiz Updates (SU) noong Sabado (December 21), ibinahagi ni Ogie Diaz ang bagong balitang nasagap niya tungkol sa singer na si Gigi de Lana.
Ayon kay Ogie, nakauwi na raw si Gigi sa Pilipinas matapos ang kanyang US tour, ngunit tila may isyu raw ito sa kanyang career.
“Ang chika, nag-breach daw ng kontrata sa Star Magic si Gigi. Nagsarili. Hindi finulfill ang kanyang obligasyon sa pinirmahang kontrata,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, gusto raw sanang i-promote ni Gigi ang kanyang bagong kanta, pero may balitang hindi raw ito maka-penetrate sa ABS-CBN at maging sa GMA.
“Banned na nga ba s’ya?” tanong pa ni Ogie, na tila naghihintay ng paglilinaw mula sa kampo ni Gigi.
Bukas ang BULGAR para sa pahayag ng kampo ni Gigi de Lana.
Sa isang interbyu kay Judy Ann Santos, nagbahagi ng insights ang Queen of Philippine Soap Opera tungkol sa kanyang buhay at karera.
“Sobra akong grateful. Sobra kong na-appreciate lahat ng mayroon ako ngayon. Pero sa totoo lang, hindi ko iniisip na sikat ako. ‘Di ko rin iniisip na reyna ako,” ani Judy Ann.
Dagdag niya, “Naniniwala akong tao lang din ako na nagtatrabaho.”
Ayon sa kanya, malakas makaapekto ang kasikatan sa isang tao.
Aniya, “Malakas maka-hunyango ang fame, mababago ka talaga. Pero ‘pag nalunod ka sa isang basong tubig, at ‘yung mga tao sa paligid mo ang unang nalunod, isasama ka nila o tatabunan ka nila.”
Nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa-artista pagdating sa pag-handle sa kasikatan.
Sey niya, “You have to know your core. Kung alam mo ‘yung pinanggalingan mo, kahit gaano pa kalaki ang marating mo, hindi ka mababago n’yan.”
Aminado rin si Juday na perfectionist siya pagdating sa trabaho bilang aktres.
Diin niya, “Hindi ako nakakampante. Feeling ko, ‘pag nagkampante ako, babagsak ang kalidad ng trabaho ko. At least ngayon, parati akong on my toes.”
Para kay Judy Ann Santos, ang pagiging grounded at focused sa trabaho ang sikreto para manatili sa tugatog ng tagumpay.
Comments