ni Lolet Abania | February 20, 2022
Asahan na ng mga motorista ang matinding trapiko na mararanasan dahil sa konstruksyon ng pedestrian corridor sa bahagi ng East Avenue sa Quezon City simula sa Lunes, Pebrero 21, 2022, ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Sa inilabas na traffic advisory ng local government unit (LGU) ng Quezon City, asahan ang matinding trapiko sa lugar na tatagal hanggang Setyembre 24, 2022, kapag ang proyektong East Avenue Pedestrian Corridor ay nakumpleto na.
Pinapayuhan naman ng QC government, ang mga motorista na humanap muna ng mga alternatibong ruta para hindi na maabala pa sa kanilang pagbiyahe.
Comentarios