Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023
Nagkaisa ang House of Representatives at Senado ng 'Pinas para salubungin ang punong ministro ng Japan na si Kishida Fumio ngayong Sabado, Nobyembre 4.
Inaasahang magbibigay ng talumpati si Kishida sa Kongreso sa isang joint session ngayong araw.
Pamumunuan naman nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sesyon.
Nagsagawa rin ng isang bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang punong ministro kung saan sinabi ng dalawang lider na nagsimula na ang mga usapin ukol sa Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng mga pwersang militar.
Sa parehong pulong, pumirma rin ang dalawang bansa ng isang Official Security Assistance grant aid na nagkakahalaga ng 600-milyon yen o P235.5-milyon kung saan nakasaad na magbibigay ang Japan ng isang radar na pambaybayin sa Pilipinas upang mas mapabuti ang kalagayan ng Philippine Navy sa pagtukoy ng mga banta sa teritoryo.
Ito ang ikalimang pagkakataon na nagsagawa ang Kongreso ng bansa ng isang espesyal na sesyon para sa bumibisitang lider ng ibang bansa.
Comments