top of page
Search
BULGAR

Kongkretong plano ng gobyerno para pigilan ang pagkalat ng Delta variant, mabanggit sana sa SONA

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 25, 2021



Dahil sa balitang dumarami ang community transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa, hinihimok natin ang pamahalaan at ang IATF na lalo pang paigtingin ang pandemic response.


Nag-level up na ang COVID at dapat lang siguro na mag-level-up din ang pamahalaan sa kanilang programa para labanan ito.


Huwag na sana nating hintayin pa ang tuluyang pagsipa ng Delta at iba pang variants. Ngayon pa lang, kailangan natin ng mas mabilis, mas agresibo, mas organisado, at mas maagap na pagtugon kontra sa virus.


☻☻☻


Ano na nga ba ang status ng contact tracing system natin sa bansa? Isang taon at mahigit na ang nakalipas, ngunit tila hindi nabibigyang-pansin ang kahalagahan ng contact tracing.


Bukod dito, kailangang linawin ang guidelines sa border controls at kung kinakailangan, higpitan ang health protocols sa mga bumabiyahe papunta sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Lalong higit na kailangan nating siguruhing may sapat na supply ng bakuna para sa ating mga kababayan para masigurong may proteksiyon tayo laban sa virus. Buhay ng bawat Pilipino ang nakasalalay dito — seryosohin natin ito.


☻☻☻


Bukas ay mapakikinggan natin ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Inaasahan natin na babanggitin ng pangulo ang mga nagawa ng administrasyon noong nakaraang taon. Bukod dito, sana ay magbanggit din ang pangulo ng kongkretong plano ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng Delta variant.


Higit isang taon na tayong namumuhay na may pandemya at naniniwala tayong magandang pagkakataon ang SONA para maipaliwanag ng pangulo sa ating mga kababayan ang plano ng pamahalaan tungo sa muling pagbangon ng ating bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page