top of page
Search
BULGAR

Ex-Prime Minister Shinzo Abe, binaril — Japan gov’t

ni Lolet Abania | July 8, 2022




Walang ipinakikitang vital signs si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos na mabaril sa isang campaign event sa Nara region ngayong Biyernes, ayon sa report ng local media.


Kinumpirma ito ng Japanese government na si Abe ay binaril subalit ang kanyang kondisyon anila, “currently unknown.”


“Former Prime Minister Abe was shot at around 11:30 am in Nara. One man, believed to be the shooter, has been taken into custody. The condition of former prime minister Abe is currently unknown,” pahayag ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa mga reporters.


Ayon sa national broadcaster NHK at ang Kyodo news agency, nagde-deliver ang dating lider ng kanyang speech sa isang event, bago pa ang upper house elections sa Linggo, nang biglang makarinig ang mga naroon ng mga putok ng baril.


Ang 67-anyos na si Abe ay nag-collapse habang dumudugo na ang kanyang leeg, sabi ng isang source mula sa kanyang ruling party na Liberal Democratic Party (LDP) sa Jiji news agency.


Alinman sa LDP o sa local police ay nagawang ikumpirma agad ang nakalap na mga reports.


Iniulat din pareho ng NHK at Kyodo na isinugod si Abe sa ospital habang makikitang ito ay sumailalim sa cardo-respiratory arrest na ang ibig sabihin, “a term used in Japan indicating no vital signs, and generally preceding a formal certification of death by a coroner.”


Maraming media outlet naman ang nag-report na lumalabas na si Abe ay binaril mula sa kanyang likuran na posibleng gumamit ng isang shotgun.


Iniulat naman ng NHK na isang lalaki ang hinuli ng mga awtoridad, subalit wala nang iba pang detalye na ibinigay tungkol sa insidente.


Si Abe, na siyang longest-serving prime minister ng Japan, ay nanungkulan taong 2006 sa loob ng isang taon at muling nagsilbi mula 2012 hanggang 2020.


Samantala, isang lalaki ang inaresto ng pulisya dahil sa attempted murder matapos na atakihin si Abe.


Ayon sa public broadcaster NHK, batay na rin sa police sources, ang lalaki ay nasa edad na 40s habang isang baril ang nakumpiska ng mga awtoridad .


Hindi naman nabigyan ang mga local police ng komento nang tawagan ang mga ito ng Agence France-Presse (AFP).

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page