ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | March 18, 2022
Ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi dapat nakatuon lang sa isang lugar. Dito sa atin, sa loob ng mahabang panahon ay nakasentro ang industriyalisasyon at komersyo sa Metro Manila. Naging mabagal ang pagsulong sa iba pang rehiyon ng Pilipinas.
Nang mahalal ako bilang senador, isa sa aking mga naging adhikain ay ang magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataon ang mga rehiyon sa ating bansa para sa pag-unlad.
Kaugnay ito ng layunin ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon, walang Pilipinong maiiwan sa pagkakaroon ng komportableng buhay.
Inihain natin ang Senate Bill No. 2157, o ang panukalang lilikha sa Metropolitan Davao Development Authority o MDDA. Isa ako sa may-akda at nag-co-sponsor nito.
Sa pamamagitan ng MDDA, gaganda ang koordinasyon sa pagitan ng mga local government units ng Davao City at mga karatig-lugar. Magreresulta rin ito sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo, magkakaroon ng sama-samang pagpaplano, at iba pang aspetong pang-ekonomiya para mas lalo silang umunlad.
Ang maganda pa rito, dahil ang Davao region ang isa sa mga sentro ng kaunlaran sa Pilipinas, ang MDDA ang magsisilbing daan para mas mapalawak pa at maihatid ang pag-unlad sa iba pang rehiyon sa Mindanao — patungo naman sa lahat ng bahagi ng ating bansa.
Bilang Dabawenyo, nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko mambabatas na sumuporta sa pag-unlad ng Davao at ng buong Mindanao. Inaasahan po na mapipirmahan na ng Pangulo itong batas na magtatayo ng MDDA sa susunod na mga araw.
Sa kabila naman ng aking mga tungkulin sa Senado ay sinisikap ko ring masuportahan ang mga kapwa kong Dabawenyo partikular na ang kanilang kalusugan para mabigyan sila ng mas magandang kinabukasan.
Nitong Marso 14, personal kong binisita ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City kung saan nasaksihan ko ang pagbibigay ng dagdag-pondo para mas marami pang pasyenteng matulungan ng Malasakit Center sa ospital. Nagbigay din ako ng tulong sa 800 pasyente at mahigit 5,900 na frontliners ng ospital kabilang na ang utility workers at security guards.
Marso 15, dinaluhan ko rin ang blessing ng kabubukas lang na Davao Occidental General Hospital sa Malita, Davao Occidental. Isa ito sa mga ospital na aking ipinaglaban sa Senado at napirmahan ni Pangulong Duterte para maisabatas noong June 2021.
Naglaan din tayo ng dagdag na budget pambili ng medical equipment na kakailanganin sa naturang ospital. Sa araw ding iyon ay nagbigay ako ng tulong sa 1,000 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, PWDs at senior citizens sa Malita.
Marso 16, naimbitahan naman ako ng lokal na pamahalaan ng Lupon sa Davao Oriental sa isang ribbon cutting ceremony para sa pagbubukas ng Matavisan-Lisacu Provincial Road sa Bgy. Macangao. Sa araw ding iyon ay nakapagbigay din ako ng tulong sa 4,600 na mangingisda, magsasaka, vendors, at tricycle drivers sa mga bayan ng Lupon at San Isidro sa nasabing lalawigan.
Patuloy pa rin ang aking tanggapan sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan na ang kabuhayan ay apektado ng pandemya at iba pang krisis sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nitong Marso 11, nagkaloob tayo ng ayuda sa 1,000 benepisyaryo mula sa San Juan City, at 1,000 rin mula sa Candaba, Pampanga.
Marso 12, naabutan ng tulong ang 1,000 benepisyaryo mula sa Caloocan City, at 642 mula sa Butuan City.
Marso 14, nagsagawa tayo ng relief effort para sa 1,000 benepisyaryo sa Bongabon, Nueva Ecija; 1,000 sa Capoocan, Leyte; at 1,000 sa Kananga, Leyte.
Marso 15, nahatiran din ng tulong ang 154 pamilyang nasunugan sa Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City; at naayudahan ang 1,000 benepisyaryo mula sa General Natividad, Nueva Ecija; 1,000 sa Calubian, Leyte; 1,000 sa San Isidro, Leyte, at 1,663 sa Rizal, Zamboanga Del Norte.
Marso 16, hinandugan natin ng tulong ang 1,664 benepisyaryo sa Piñan, Zamboanga del Norte; 1,000 sa Baybay City, Leyte; 1,000 sa Mahaplag, Leyte; 832 sa Quezon, Nueva Ecija; 93 na biktima ng sunog sa Iloilo City; 857 sa Poro, at 1,264 San Francisco sa Camotes Island, Cebu.
Kahapon naman Marso 17, binisita namin ni Pangulong Duterte ang Leyte para sa inagurasyon ng Tacloban City Bypass Road at ng New Leyte Provincial Capitol. Nagkaroon din ng distribusyon ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa mga taga-Eastern Visayas.
Personal din akong naimbitahan para saksihan ang ceremonial turn-over ng pondo mula sa national government para sa lalong pagpapalakas ng mga public hospitals sa Eastern Visayas region. Sa araw ding iyon ay nakapagbigay din ako ng tulong para sa 485 rebel returnees sa Palo, Leyte.
Patuloy lang po ang ating paglilingkod sa ating mga kababayan kahit saang sulok ng bansa upang maisakatuparan ang ating layunin na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang ating mga anak.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comments