top of page
Search

Komedyana, tameme lang… ANAK NI POKWANG, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS

BULGAR

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | October 1, 2022



Buntis ba ang panganay na anak ng komedyanang si Pokwang na si Ria Mae Subong?


Wala kasi kaming nakitang nag-post si Pokie tungkol sa panganay niya na graduate na ng Culinary Arts sa Enderun College noong 2018 kung may boyfriend na.


Anyway, napansin ito ng mga followers ni Pokie sa video post niyang kinakantahan nila ng "Happy Birthday" ang tatay ng bunso niyang si Malia na si Lee O’Brian.


Sa comments section ng post ng komedyana ay nabasa namin ang mga tanong ng netizens.


Mula kay @lynivel, “Buntis po ba si Mae!?"


Sinagot ni @velvety_pink, @lynivel Pansin ko nga din po.”


Ganu'n din si @christian5906, @velvety_pink Oo nga, eh, laki ng tiyan, nagulat nga rin ako.”


Nakisali na rin sa pagtatanong si @na.wa.7545708, @christian5906 Pansin ko rin, parang buntis, laki ng tiyan.”


Sabi rin ni @mary.gracee1993, @lynivel Parang buntis nga, bigla ngang tumaba. Ang sexy niyan dati 'di ba?”


Ang dami pa naming nabasang parehong tanong, pero ni isa sa kanila ay wala kaming nakitang sinagot ni Pokwang.


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig nina Pokwang at Ria Mae.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page