top of page
Search
BULGAR

Knows n’yo ba ‘yun?...Paminta, ginagamit ding panggamot sa discolored skin, sakit ng ulo at pagtatae

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | June 28, 2020




Ang paminta.


Kilala bilang King of Spices ang paminta dahil ito ang spices na ginagamit sa maraming bansa at ang hari at reyna sa mga palasyo ay ito rin ang paborito.


Noong unang panahon sa kaharian, nagagalit at napupugutan ng ulo ang mga kusinerong nauubusan ng paminta sa imbakan ng pagkain dahil ito ay gamit na gamit sa pagluluto dahil sa napapasarap nito ang mga lutuing ulam at nagagamit din bilang herbal medicine. Kumbaga, ang paminta ay iniimbak para may magamit sa buong taon o sa mahabang panahon.


Bilang halamang gamot, narito ang ilang karamdaman na ginagamitan ng paminta:

  • Cholera

  • Arthritis

  • Asthma

  • Bronchitis

  • Cancer

  • Colic

  • Depression

  • Diarrhea

  • Discolored skin (vitiligo)

  • Dizziness

  • Gas

  • Headache

  • Itchy skin caused by mites (scabies)

  • Measles

  • Menstrual pain

  • Nerve pain

Gayundin, ang paminta ay may epekto sa:

  • Sex drive

  • Stuffy nose

  • Sinus infection

  • Upset stomach

  • Weight loss

Mayaman ang paminta sa sustansiya, vitamins at minerals tulad ng mga sumusunod:

  • Piperine

  • Vitamins A, C at K

  • Thiamin

  • Pyridoxine

  • Riboflavin

  • Folic acid

  • Choline

  • Copper

  • Iron

  • Calcium

  • Manganese

  • Phosphorous

  • Zinc

DAGDAG-KAALAMAN:

Ang pagkunsumo o pagkain ng maraming paminta ay puwedeng maging abortifacient o sanhi ng abortion. Gayundin, ang black pepper ay gawa sa pinatuyong hilaw na prutas at saka niluto, habang ang white pepper ay gawa sa pinatuyong ripe seeds.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page