top of page
Search
BULGAR

Knows n’yo ba ‘yun, mga besh?...

Pagdyo-journal, nakatutulong para magkaroon ng magandang ugali at memorya, nakababawas din ng anxiety at depresyon

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| January 25, 2021





Taun-taon, marami sa atin ang nagbabalak gumawa ng journal dahil sa iba’t ibang dahilan at intensiyon.


May ilang gumagawa nito dahil gusto nilang i-track ang kanilang daily activities, habang ang iba naman ay para magkaroon ng outlet o paglalagyan ng kanilang mga thoughts sa bagay o buhay at kung anu-ano pa.


Gayunman, knows n’yo ba na ang pagdyo-journal ay may benepisyo sa emosyonal, espiritwal at pisikal na aspeto ng ating buhay? Yes, beshy!


Kaya kung excited na kayong malaman kung anu-anong mga ito, narito ang ilang benepisyo ng journaling:


  1. NAKABABAWAS NG STRESS. Knows n’yo ba na ang journaling ay isang magandang stress management tool? Base sa research noong 2018 na ang emotion-focused journaling ay may kaugnayan sa bumabang mental distress at tumaas na well-being.

  2. NAKABABAWAS NG ANXIETY. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga adult na nakararanas ng elevated anxiety symptoms ay nag-journal ng kanilang traumatic experiences — na may 15 hanggang 20 minutong interval— ay nakaranas ng mas mababang anxiety, mas kaunting depressive symptoms at overall mental distress, gayundin, tumaas ang kanialng well-being sa loob ng isang buwan.

  3. NAKABABAWAS NG DEPRESYON. Lumabas sa isang pag-aaral noong 2013 na kapag nagsulat ng “deepest thoughts at feelings” habang may emotional event sa loob ng 20 minuto kada araw sa loob ng tatlong araw ang mga tao na mayroong major depressive disorder, mayroong nakitang pagbaba ng kanilang “depression scores.”

  4. IMPROVED MEMORY. Sey ng experts, kung nais na epektibong tugunan ang stress, nakatutulong ang pagdyo-jourmal sa cognitive resources para sa iba pang mahahalagang mental processes. Halimbawa nito ang isang pag-aaral noong 2001 sa mga mag-aaral kung saan napag-alaman na ang pagsusulat ng kanilang deepest thoughts at feelings tungkol sa pagpasok sa kolehiyo ay nakatulong sa kanilang short-term memory.

  5. MAS MALAKAS NA IMMUNE SYSTEM. Ang journaling ay maaaring maging relaxing exercise na nakababawas ng pag-release ng stress hormones tulad ng cortisol at adrenaline dahil ang overproduction ng nabanggit na hormone ay maaaring magpahina ng immune system.

  6. MAS MAGANDANG ATTITUDE. Ayon sa mga eksperto, ang pagme-maintain ng weekly journal, partikular sa “gratitude” ay may kaugnayan sa magandang improvement sa overall optimism. Paglilinaw ng experts, ang pagkakaroon ng journal na nakapokus sa pag-appreciate ng positibong elemento ng buhay, nawawala ang pokus ng indibidwal sa mga bagay na ‘di pabor sa kanya.

  7. COPING WITH TRAUMA. Base sa ilang pag-aaral, ang pagjo-journal ay posibleng epektibong therapeutic tool sa mga survivor ng trauma. Sa nasabing pag-aaral, ang mga tao na may post-traumatic stress disorder (PTSD) na lumahok sa expressive writing activities at nakaranas ng malaking improvement sa kanilang mood, gayundin nabawasan ang kanilang stress hormone responses kapag hinaharap ang kanialng traumatic memories.


‘Ika nga, kani-kanyang trip lang ‘yan at wala namang masama kung gusto n’yong subukan.


Kung hindi natuloy ang journaling na balak mo noong nakaraang taon, it’s time para subukan ito at alamin kung talaga bang makatutulong ito sa ating overall well-being. Copy?

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page