ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 1, 2023
Nakakabilib naman ang iniharap sa entertainment press last Friday at ipinakilala bilang youngest CEO sa buong 'Pinas na si Abdania Galo a.k.a. Iya Galo.
As young as 18 yrs. old, ipinakilala na nga ng beauty products brand na Beauty Wise ang kanilang bagong CEO na si Iya sa ginanap na media launch ng kumpanya sa Luxent, kung saan kasabay ding ipinakilala ang kanilang first endorser na walang iba kundi si Ms. World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez.
Sa totoo lang, until now ay napapaisip pa rin kami kung paano kaya iha-handle ni Iya Galo ang mabigat na responsibilidad na iniatang sa kanya ng kanyang pamilya gayung sa edad na 18, dapat ay nag-aaral pa siya at ine-enjoy ang teen-age life.
Kaya nga tinanong namin mismo si Ms. Iya kung gaano siya kahanda sa responsibilidad na tinanggap niya at aniya, although alam niyang malaking tungkulin ang pagiging CEO ng isang company tulad ng Beauty Wise, handang-handa raw siya sa mga challenges na darating.
Nilinaw din niyang hindi siya mahilig mag-party o gumimik at mas gusto niyang pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya, at in fact, bata pa raw siya ay na-train na siya ng kanyang mommy sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Super fresh at ang ganda-ganda ni Iya na artistahin ang hitsura kaya nga feeling namin ay papasa rin siyang artista o beauty queen tulad ng endorser nilang si Tracy. Pero aniya, mas gusto niyang tutukan ang kanilang beauty products business.
At tulad ng ibang kabataan, meron din naman daw siyang celebrity crush na nahihiya pa siyang aminin — si Donny Pangilinan.
Pero buti na nga lang, 'di magso-showbiz si Iya dahil if ever, tiyak na iba-bash siya ng mga fans nina Donny at Belle Mariano lalo't may laban ang ganda ni Iya kay Belle dahil mala-Liza Soberano at Jillian Ward ang hitsura ng youngest CEO, ha?
Well, bigyan natin ng chance si Iya kung magagawa nga niyang mapataas ng 62% ang sales ng Beauty Wise beauty products ngayong 2023 lalo't hanggang sa Malaysia pala ay naidi-distribute na ito.
Nalaman din namin na taga-Mindanao pala ang pamilya ni Iya Galo at du'n unang nakilala ang Beauty Wise na eventually ay nakaabot na rin hanggang sa Luzon at Visayas.
Samantala, present din sa ginanap na media launch ng Beauty Wise sina Bugoy Cariño at Michael Pangilinan.
Nainterbyu namin si Bugoy na invited sa event bilang isa sa mga social media influencers, pero si Michael ay hindi na humarap sa press people dahil ang chika sa amin ng nag-invite para sa event ay wala sa kontrata nito ang magpainterbyu sa press people.
Ah, ok! Noted!
Comentarios