top of page
Search
BULGAR

Knows mo ba 'to, Bossing?... PAULEEN, UMAMING MAY SAKIT

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 3, 2020




Walang balak si Pauleen Luna na tigilan ang pagpo-post ng mga larawan ng kanyang anak na si Talitha sa social media.


'Yun kasi ang advise sa kanya ng mga bashers na nambu-bully sa kanyang anak, huwag daw masyadong i-expose ni Pauleen sa socmed si Tali upang hindi malait ng mga bashers.


Pero katwiran ng Chika, Besh! host, proud siya sa anak nila ni Bossing Vic Sotto kaya kahit na ano'ng gawin at sabihin ng mga bashers ay hindi siya magpapaapekto. Hindi niya kailangang itago sa publiko ang kanyang anak. Handa siyang protektahan at ipaglaban si Tali.


Samantala, may health disorder pala si Pauleen kaya hirap pumayat. Ito ay hypothyroid insulin resistance. Nagda-diet naman daw siya at nagwo-workout.


Dahil hindi nakakalabas nang regular para mag-gym, bumili na lang si Pauleen ng Pilates machine at sa bahay na lang nagwo-workout.


Walang kiber si Poleng lait-laitin man ng mga bashers. Pero kung ang anak niyang si Talitha ang uupakan, ibang usapan na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page