ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 3, 2023
KATANUNGAN
May gusto akong malaman tungkol sa love life. Kapag bigla ka bang hinalikan ng isang lalaki, ibig sabihin ba nito ay mahal ka niya? May lalaki kasing gumawa sa akin nito nang minsang magkasarilinan kami sa computer room ng iskul namin.
Madalas kaming dalawa lang sa computer lab kasi magkagrupo kami, pero hindi niya ginagawa sa akin ‘yun. Kaya lang, nang hapong ‘yun, bigla akong na-ground sa transformer ng computer at napayakap sa kanya, tapos bigla na niya akong hinalikan. Mula nang mangyari ‘yun, hindi na mawaglit sa isipan ko, palagi kong naaalala ang pangyayaring ‘yun, lalo na sa gabi kapag nakahiga ako
Siya na ba ang magiging first boyfriend at mapapangasawa ko? Noon bata ako, naipangako ko sa aking sarili na kung sino ang lalaking unang makakahalik sa akin ay siya na ang gusto kong mapangasawa. Sa ngayon, magulo ang isip ko at laging siya ang naiisip ko.
KASAGUTAN
May malinaw na Guhit ng Fling na Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi maiiwasan na kapag patuloy kayong nagkikita ng naturang lalaki, kahit sabihin pang hindi kayo nag-uusap o nagbabatian, tiyak ang magaganap. Tulad niya, unti-unti na ring mahuhulog ang loob mo sa kanya, hanggang sa maipagtapat niya sa iyo ang katotohanang kaya ka lang niya nagawang halikan noong hapong ‘yun ay dahil sa tindi nang pag-ibig at pagmamahal na nadarama niya sa iyo.
Sa sandaling maipagtapat na ito ng nasabing lalaki, kusang huhupa ang kinikimkim mong sama ng loob at pagkainis, at ang inis na ito ay mapapalitan ng kakaibang damdaming may halo nang pagmamahal.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Loraine, darating ang malapit na hinaharap, habang tumitindi pa ang panahon ng tag-init, ang Guhit ng Fling na Relasyon (f-f arrow a) ay matutupad, at tuluyan na kayong makakabuo ng lehitimo at totohanang relasyon. Sa sandaling nangyari ‘yun, hindi na aksidente ang magaganap – sa halip, kusa ka na niyang hahalikan at kusa ka na ring yayakap sa kanya, bilang natural na ekspresyon ng iyong nakakikilig at matimyas na pagmamahalan.
Comments