ni Mary Gutierrez Almirañez | March 3, 2021
Binawi ng Department of Education (DepEd) kaninang umaga, Marso 3, ang proposal na dalawang linggong summer vacation para sa 2020-2021 school year.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, “It was among the many options we were considering but noting the objections from our stakeholders, we will no longer propose a two-week break.”
Matatandaang nagsimula ang klase noong Oktubre na karaniwang sinisimulan tuwing Hunyo at nagtatapos kada Abril.
Ngayon ay may posibilidad na hindi na magkakaroon ng bakasyon ang mga mag-aaral at tutuloy na sila kaagad sa susunod na school year.
Batay sa inilabas na panibagong school calendar, mula Marso 22 ay iniurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 at ang fourth quarter naman ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.
Bagama't may bakuna na ay pinagdedebatehan pa rin sa Senado ang pagsusulong sa face-to-face classes lalo’t tinatayang 4,468 na mga estudyante at mga tauhan ng DepEd ang tinamaan ng COVID-19.
Commenti