ni Lolet Abania | November 11, 2020
Idineklara ng Malacañang na wala nang pasok sa mga government offices at klase sa lahat ng antas sa Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, CAR at NCR ngayong alas-3 ng hapon hanggang bukas, November 12, 2020 dahil sa Bagyong Ulysses.
Kabilang din sa mga local government units (LGUs) na nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod na lalawigan:
Bulacan
Plaridel: face-to-face classes, online classes, ang iba pang blended learning modalities sa lahat ng antas
Cagayan: lahat ng levels, public at private
Camarines Norte: lahat ng antas, public at private, until lifted
Camarines Sur: lahat ng levels, public at private, hanggang Nov. 15, dahil sa walang supply ng electricity noon pang Super Typhoon Rolly na sumira ng mga communication lines; walang pasok sa government offices hanggang sa i-lift ito maliban ang mga nagtatrabaho sa disaster risk reduction and management, delivery ng basic at health services, at iba pang kinakailangang serbisyo
Marinduque: lahat ng antas
Quezon: lahat ng antas
Pampanga: lahat ng antas
Bataan: lahat ng antas
Laguna
Sta. Rosa: lahat ng antas
Wala na ring pasok sa mga sumusunod na eskuwelahan:
Ateneo de Manila University: kindergarten hanggang high school
FEU High School, Manila: synchronous at asynchronous classes
Lyceum of the Philippines, Manila: online classes hanggang senior high school
OB Montessori Center: Advanced Casa hanggang Grade 12
Quezon City Academy: online classes
San Roque Catholic School: lahat ng antas
San Sebastian Cathedral School of Tarlac: kindergarten hanggang high school, synchronous at asynchronous classes
School of St. Anthony
University of the Philippines Diliman: online synchronous classes
Comments