top of page
Search
BULGAR

Kitang-kita sa teaser ng movie ni Direk Darryl… GINA ALAJAR, DAWIT SA RAPE ISSUE NI VIC KAY PEPSI

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 10, 2025



Photo: Gina Alajar - VinCentiments


Pinag-uusapan talaga ngayon ang kontrobersiyal na direktor na si Direk Darryl Yap dahil sa inilabas niyang teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) sa kanyang Facebook account noong Enero 1.


Maging sa mga mediacon ay natatanong ang ilang personalidad tungkol sa direktor at isa na ang singer/actress na si Marissa Sanchez na hiningan ng reaksiyon tungkol sa post ng direktor, kung saan binanggit ang pangalan ng TV host/actor na si Vic Sotto bilang isa umano sa mga rapists ni Pepsi Paloma.


Inamin ng mang-aawit na nagulat at the same time ay nalungkot siya.


“As a mom, nasasaktan ako for the kids. Dapat hindi (inilabas),” say ni Marissa.


Sa tanong namin kung sakaling magkita sila ng direktor ay ano ang posible niyang sabihin kung puwede siyang magbigay ng komento, “Hi Direk. Good afternoon!” natawang sagot nito.


Idiniin ni Marissa na wala siya sa posisyon o kahit acquaintance sila ni Direk Darryl ay wala siyang karapatang magkomento.


“Pero kung super close ko, yes.  Hypothetical question ba ‘to? I would give unsolicited advice kasi as a mom, ang hurt ko, hindi naman kay Pauleen, kay TVJ (Tito Vic and Joey) o kay Bossing (Vic), eh, for Tali (eldest daughter ni Vic) at sa other daughter (Baby Mochi). Sa ‘kin ito, ha, from my opinion,” paliwanag mabuti ni Marissa.


Ang katwiran ng direktor ng upcoming movie ni Rhed Bustamante bilang si Pepsi Paloma, kapag napanood ang pelikula ay malalaman kung ano ang totoo.


“Oo, pero una kasi, ang una mong titingnan sa tao is the motive. Ano ang motive mo? Kung ang motive mo ay to gain views or lumakas ka sa social media, for me is wrong.


“Depende nga sa motive ng tao, so, I cannot judge Direk Darryl kung anuman ang motive niya, pero kung ang motive niya is para maging maingay s’ya, parang maging sensational, hindi na nga ngayon talent, eh, it’s more on followers na. So kung more on followers ang intension mo para gawin ‘yun, for me, it’s unfair. 


“Hindi pa natin nakakausap si Direk Darryl, alamin muna natin kung ano ang intension n’ya,” paliwanag mabuti ni Marissa.


Isa rin ang direktor na si Gina Alajar sa main cast ng pelikula ni Direk Darryl. Sa bibig niya nagmula ang pangalang Vic Sotto dahil tinanong nga niya si Rhed bilang si Pepsi kung na-rape siya nito at oo naman ang sagot ng dating sexy star.


“My ninang Gina, depende rin sa motive niya kung bakit n’ya tinanggap (ang pelikula) at kung bakit s’ya pumayag na sabihin ‘yun. So, I cannot also judge Ninang Gina, she’s my godmother (and) I believe she’s a good hearted person, so, I still don’t know. I cannot talk in her behalf kung ano ‘yung intention n’ya kung bakit s’ya pumayag sabihin ‘yun,” paliwanag ulit ni Marissa.


 

SAMANTALA, nakausap namin ang singer/actress sa announcement ng Filipino Balin Remjus Inc. at Great Media Productions, Inc. na ang stage play na Nasaan Si Hesus? (NSH), na isinulat ng yumaong entertainment editor na si Nestor U. Torre, ay gagawin nang pelikula mula sa mga kantang nilikha ni Mrs. Lourdes “Bing” Pimentel.


Ang mga bida ay sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Janno Gibbs, Jeffrey Hidalgo, Rachel Gabreza ng Tawag ng Tanghalan (TNT), Gianni Sarita ng The Voice Kids (TVK), at si Marissa.


Ang kuwento ng NHS ay umiikot sa mga problema ng mga nakatira sa isang pamayanan tungkol sa pamilya, pera, pag-ibig, trabaho, at pulitika. Haharap ang mga karakter sa mga tukso at ang kanilang pananalig sa Diyos ay masusubok. 


Ang kuwento ng kanilang mga buhay ay bibigyang drama at kulay ng mga kanta na ang himig at titik ay nilikha ni Mrs. Bing Pimentel, maybahay ng yumaong Senador Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.. 


Si Nanay Bing, kung siya ay tawagin, ay isang civic leader na mayroong natural na talent sa paglikha ng mga kanta. 


Aniya, “Gusto namin isapelikula ang Nasaan si Hesus? para magbigay ng impormasyon at inspirasyon. Ito’y paraan para magbigay-papuri, pasasalamat, at magdasal. Ang Diyos ay nariyan lang kung bubuksan natin ang ating puso’t isipan.”


Higit nang dalawang dekada mula noong unang ipalabas sa entablado ang NHS. Higit sa 80 performances ang naiprodyus para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang mga manonood sa buong Pilipinas.


Katuwang ni Mrs. Pimentel sina writer-director Dennis Marasigan, musical director-arranger na si TJ Ramos sa pag-update ng dula para sa digital age.  


Aniya, “Tatalakayin ng pelikula kung paano magiging mas matatag ang mga tao sa kabila ng mga pagsubok sa makabagong panahon.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page