ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | February 2, 2021
May bago akong exclusive interview kay Edu Manzano na erpat ni Luis Manzano at ex-hubby ni Vilma Santos-Recto na naganap sa preskon ng Mamasapano ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio kamakailan lamang.
Bago pa ang interbyuhan namin ay sinabi na ni Edu na 1980’s pa kami magkakilala. Kami naman ni Ate Vi, early 70’s ay pareho kaming may gatas pa sa labi noon, charrrr! Insert smiley, !
O, siya… let’s begin. Ang tanong muna ay ano ang role ni Edu sa Mamasapano?
“Ang role ko rito ay si General Benjie Magalong na kasalukuyang mayor ng Baguio. Siya ‘yung nag-head ng Board of Inquiry nu’ng iniimbestigahan kung ano ang nangyari ru’n sa Mamasapano,” sagot niya.
Sa personal life naman, natanong ko kung kumusta na ang kanyang pamilya.
“Well, ‘yung daughter ko at saka isang anak na lalaki, ah, fortunately or unfortunately, nasa New York and so far, malakas sila and ang kagandahan nu’n, eh, anytime sila magpa-swab sa ospital, okay at libre naman.
"But siyempre, hindi mo maiaalis sa father or sinumang magulang na mag-alala kapag malayo sa iyo ang pamilya, lalo na ang mga anak mo and then, ganito ang sitwasyon natin ngayon due to pandemic, covid nga, so lagi kaming nag-aalala. Buti na lang, may cellphone, buti na lang may WiFi, social media at madali silang makontak,” katwiran niya.
Tanong pa ni yours truly, “How about your son Lucky Manzano sa ex-wife mong si Vilma Santos… ano, mag-aasawa na ba talaga sila ni Jessy Mendiola ngayon at kailan ang exact date ng kanilang wedding?”
Aniya, “Kinausap naman nila kami bago nila inanunsiyo ang kanilang plano. Kinausap nila muna kami.
“Well, wala pang definite date pero ang ginawa nila, was of course, ‘yung proposal muna sa kanilang formal engagement. Siyempre, titignan muna kung paano ang sitwasyon ngayong pandemic, paano ang progress, kahit paano, titignan muna nila kung malayo sa peligro at ‘yung covid-free na tayo. Siyempre, they would like to celebrate it with friends and family. So, importante na wala nang pandemic bago sila makapagdesisyon ng final date of their wedding.”
Nang matanong ni yours truly kung sa palagay ba niya ay it’s about time na mag-asawa na si Lucky at kung ilang taon na ito, aniya, “40 lang siya. Bata pa.”
Well, life begins at 40, so they say.
“Ngayon nga, life begins at 50, sabi nga nila,” natatawang sabi pa ni Edu.
Tinanong ko rin kung okay ba si Jessy Mendiola as daughter-in-law-to-be ni Edu at aniya, “Oh, yes. Pero parang hindi rin ako makakasagot du’n kundi si Luis lang. Kasi mas matagal silang magkasama kaya wala pa akong masyadong alam tungkol kay Jessy. Saka ako, never akong nakialam sa buhay-mag-asawa dahil hindi naman kami magkasama 24-oras at kung ano man ‘yun, kanila na lang ‘yun.”
Kinumusta ko rin kung magkaibigan ba sila ng ex-wife niyang si Vilma Santos, kung madalas ba silang mag-usap lately at kung kailan sila huling nagkita nang face-to-face?
Aniya, “Lately kasi, of course, ang aming pinakadirektang line of communication is of course si Luis. Kasi kung meron siyang malalaking desisyon sa buhay, I mean si Luis, siyempre, gusto rin niyang malaman namin.
“Siya ang lagi naming direct line of communications. Besides, matanda na kami ni Vilma. So our children are allowed to do what they think na magandang diskarte sa buhay nila. Hindi pupuwedeng laging nandiyan ang mommy at daddy.
“So ako, bilang ama, matagal ko nang ibinigay ang laya sa kanila.”
Sa tanong naman kung nagkakausap pa rin ba sila ni Ate Vi kahit paminsan-minsan, sey ni Edu, “Sa ngayon, no. Wala naman kaming pag-uusapan, eh. So lately, wala. Ano’ng pag-uusapan namin?”
Hindi rin naman daw importanteng magkumustahan pa sila dahil aniya, “'Andiyan naman si Luis.”
Pag-amin pa ni Edu, dahil matagal na ay hindi na niya matandaan kung ilang taon na silang hindi nagkikita ni Ate Vi.
Well, talaga yatang may mga ganu’ng drama sa mag-ex. Iwasan hangga’t maaari.
Pero as the saying goes, as long as you have memories… yesterday remains… boom, ganernnn!
And another saying goes… dumarating, nagdaraan ang nakaraan, tsuk and more tsuk!
‘Yun lang and I thank you.
Comments