top of page
Search
BULGAR

Kinumpirma ng abogado… TAPE, INC. MAS MAY 'K' GAMITIN ANG EAT BULAGA! KESA SA TVJ

ni Nitz Miralles @Bida | June 8, 2023




Ang gandang basahin ng post ni Atty. Jesus Falcis na, “Who Owns The Name Eat… Bulaga!?”


Nauna na ngang umere ang version ng EB! ng TAPE, Inc. at nabanggit ni Tito Sotto na ‘yun din ang gagamitin nilang name ng kanilang bagong show kapag nagsimula na silang umere.


Tanong ni Atty. Falcis, kung sino sa TAPE at TVJ ang tama sa usaping legal at dito na inilatag ng abogado ang kanyang argumento.


Under the Intellectual Property Office’s records, ang TAPE, Inc. ang registered owner ng name na Eat… Bulaga! at ang abbreviation nitong EB!. Ang ownership ng trademark o business name under Philippine law ay pagmamay-ari raw ng tao o company na unang

nag-file ng registration.


Kaya ang TAPE, Inc. daw ang registered owner ng Eat… Bulaga! at kapag ginamit ito ng TVJ sa kanilang show, they will be committing trademark infringement.


Kahit daw si Joey de Leon ang bumuo ng name na Eat… Bulaga!, the fact na pumayag silang ang TAPE, Inc. ang mag-register to claim ownership, pumayag na silang ilipat ang rights over the name.


Hindi raw in-oppose ng TVJ ang registration ng TAPE, Inc. since 2011, kahit puwede naman silang mag-file ng registration under their names.


Nako-confuse raw si Tito sa idea ng copyright at trademark. Ang Eat… Bulaga! raw ay trademark, at ang ownership ng copyrights ay nangyayari from the moment of creation.


Ang trademark at ownership ay nangyayari from the moment of filling/registration.


Magkaiba raw ang trademark at copyright.


Heto pa, ang TAPE, Inc. din ang may-ari ng trademarks ng most of the segments at games ng EB! gaya ng Pinoy Henyo at Kalye-serye.


May mga exceptions daw sa law at puwedeng i-argue ng TVJ na sila ang rightful owners ng Eat… Bulaga!, pero may problema pa rin.


Sabi ni Atty. Falcis, “Under the Intellectual Property Code and relevant Supreme Court decisions, the exceptions of registrations in bad faith or fraud does not seem to apply in the case of TAPE, Inc..”


Masaya raw ang TVJ for TAPE, Inc. to own the rights nang si Tony Tuviera ang in-charge sa TAPE. Kaya lang, minority owner lang si Mr. Tuviera.


Ang pinaka-worse na nangyari, “TVJ didn’t even bother to be owners of the company that was running and owning their show.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page