top of page
Search
BULGAR

Kinuhang guest sa show… OGIE, IPINAG-SHOPPING ANG BINI SA USA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 27, 2024



Photo: BINI PH - Roldan Castro, FB / Circulated


Ang bongga naman ni Ogie Alcasid dahil ipinag-shopping niya ang BINI sa Los Angeles kamakailan.


Kuwento ni Ogie sa mediacon niya for his upcoming concert, OgieOke 2 Reimagined kung saan ay isa sa mga guests niya ang BINI, noon pa man daw ay natutuwa siya sa nasabing girl group at masaya siya na nasaksihan niya ang pagsikat ng mga ito.


Kung paano niya napapayag ang grupo at ang Star Magic na mag-guest ito sa kanyang concert, kuwento ni Ogie, “Actually, mayroon kaming collab na gagawin. It’s entitled Sige, Galaw, Galaw. Dapat ire-record na namin nitong November, pero hindi natuloy kasi nga, bigla silang nag-concert sa Araneta. So, medyo busy sila.”


Patuloy niya, “So, nakiusap sila na kung puwede ba na next year na namin i-record ‘yung collab. Sabi ko, walang problema.”


Next scenario ay nagkita raw sila sa Los Angeles for ASAP at biniro raw niya ang mga ito ng “Gusto n’yong mag-shopping?”


Siyempre, oo lahat ang mga girls at nagsigawan pa nga. Kaya binigyan niya raw ng pang-shopping.


“Natutuwa lang kasi ako sa mga batang ‘yan and I’ve always been a supporter of them. So their success is something that I’m blessed to see, to witness. So, natuwa lang ako. Parang regalo ko lang sa kanila ‘yun,” sey ni Ogie.


“Nu’ng tinanong ko kung puwede ba silang mag-guest (sa OgieOke 2), walang kaabug-abog, ‘Of course, we’ll adjust to your schedule,’” kuwento ng OPM singer.


Napakadali nga raw kausap ng handlers at management ng BINI kaya naman sobrang thankful daw niya.


“In fairness to them, hindi sila sumingil sa ‘kin. Parang ang sabi sa ‘kin, ‘Bahala na kayo,’” aniya.


“Baka ‘yung pang-shopping (na ibinigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ni Ogie.

“But no, of course, we allotted a talent fee for them,” sey niya.


When asked kung saan niya ipinag-shopping ang mga girls, sey ni Ogie, “I think, nag-Sephora (beauty and cosmetic shop) yata sila. Mahilig pala talaga sila sa make-up.”

Kakantahin ng BINI sa concert ni Ogie ang hit song nilang Salamin, Salamin at magdu-duet sila ng Dito Sa Puso Mo.


Ogie also revealed na magdu-duet din sila ni BINI Maloy ng bagong version ng Hanggang Ngayon.


Bukod nga sa collab nila ng BINI, ang isa pang bagong makikita sa OgieOke 2 Reimagined ay ang mga bagong arrangements ng kanyang mga hit songs.

“I’ll be singing mostly reimagined version of my songs. Marami akong ini-ready na mga bagong arrangements,” aniya.


Uulitin din daw niya ang performance niya sa Magpasikat 2024 kung saan ay tumugtog siya ng piano while singing.


 

PANAY ang pag-iikot ni Sen. Bong Revilla nitong mga nakaraang araw sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Cavite.


Kasama ang asawang si Cong. Lani Revilla at anak niyang si Agimat Partylist Representative Bryan Revilla ay naglunsad sila ng Relief Operations sa Bacoor, Cavite at makikita nga sa kanyang Facebook (FB) page ang mga tulong na naihatid na nila.


Caption niya in one of his posts, “Personal nating inihatid ang tulong sa mga kababayan natin sa Bacoor na naapektuhan ng kalamidad. 


Hindi magmimintis ang Alagang Revilla lalo na sa mga panahong tayo’y pinakakailangan ng ating mamamayan. Ibayong ingat po sa ating lahat!”


Bago ang bagyo ay masayang-masaya pa naman si Sen. Bong sa pagkakapasa ng kanyang anak na si Loudette Bautista sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa mga doktor.


Kaagad nga niyang ibinalita sa kanyang FB Live ang magandang balita the moment na natanggap nila ang resulta.


“I’m so happy for my daughter, Loudette. Talaga naman. Meron na tayong certified doctor, woohoo!” masayang wika ni Sen. Bong sa video.


“Thank you, Lord! Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa pamilya for my doktora.


“Grabe ‘yung board exam niya. Talagang. . . 2 weekends ‘yung exam, ‘yung pag-aaral niya, ‘yung pag-review ulit ng lahat ng natutunan niya bilang doktora,” sey pa ng aktor/pulitiko.


Aniya pa ay proud na proud siya sa kanyang mga anak na babae. 


“Meron na akong abogada, meron pa akong doktora na certified na rin. So, wow! Thank you, Lord,” sey pa ng mister ni Congw. Lani.


Makikita rin sa post ni Sen. Bong ang pagdalaw niya kinabukasan sa puntod ng kanyang mga magulang para ibalita rin ang pagpasa ni Dra. Loudette. 


“Daddy and Mommy so happy in heaven. May apo na silang doktora (praying and heart emoji),” caption ni Sen. Bong.


Nabanggit din kasi ng aktor na noon pa pangarap ng kanyang amang si former Sen. Ramon Revilla na magkaroon ng anak na doktor pero hindi nga ito natupad kaya at least ay natupad ito kahit sa apo man lang. Kaya bale si Loudette ang kauna-unahang doktora sa pamilya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page