top of page
Search
BULGAR

Kingry Garcia, malabong makaporma kay Pacman

ni Gerard Peter - @Sports | February 10, 2021




Sa bawat salitang binibitawan ng iba’t ibang personalidad sa mundo ng boksing, tanging ang pag-asang tatalunin ni rising boxing star Ryan ‘KingRy” Garcia ang nag-iisang eight division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao ay manggagaling lamang sa mga tagasunod nito.


Naniniwala ang mga dating boxing champions na sina Zab “Super” Judah, Erik “El Terrible” Morales at Carl “The Jackal” Frampton na malabong magwagi ang 22-anyos na interim World Boxing Council (WBC) lightweight titlist kay Pacman kahit pa man 42-anyos na ito dahil hindi matatawaran ang eksperyensya, bilis at lakas higit na sa oras na magbalik ensayo ito.


Ayon sa dating IBF at WBO junior welterweight titlist na si Judah, isang malaking katatawanan umano na talunin ni Garcia si Pacquiao sakaling matuloy ang pagtatapat ng dalawa ngayong taon. “I think it’s buffoonery, you know why? Because if the Pacquiao that we know shows up the way he’s supposed to show up, on paper he is supposed to demolish Ryan Garcia. Ryan Garcia is gonna be a great but is he ready for an elite Pacquiao right now? No way,” pahayag ni Judah sa panayam ng ESNEWS sa Instagram Live. “Even at his age right now, the speed and the power and everything that Pacquiao possesses is way too much for Ryan Garcia at this moment right now.”


Nakikita naman ng dating mahigpit na kalaban ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs) na si Morales na hindi tatagal ng dalawang rounds ang Victorville, California-native, na minsang naranasan ang mga patamang suntok sa kanilang trilogy noong Marso 2005 at nung Enero at Nobyembre 2006 na parehong napanalunan ng fighting Senator.


Pacquiao with Ryan is a very lopsided fight. Even though (Pacquiao) is old, he can put Ryan to bed in two rounds,” paliwanag ni Morales sa panayam ng Boxingscene.com “I think (Garcia) is taking advantage of being a popular fighter. That is the reality, he is already a champion, but he has to face the best to solidify it, because he is hardly an interim,” dagdag ng dating four-division champion na naiupo bilang parte ng International Boxing Hall of Fame noong 2018.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page