ni MC @Sports | August 13, 2023
Ipagpapatuloy ni Danny "The King" Kingad ang winning streak sa pagbabalik niya sa Circle ng ONE Fight Night 15: Tawanchai vs. Superbon sa October 7 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.
Haharapin ng no. 3-ranked flyweight contender ang mapanganib na si "Wolf Warrior" Hu Yong para sa asam na fight shot gold. “I’m excited. I know Hu Yong is a very skilled and dangerous fighter, so I’m doing everything to prepare for him and what he plans to do,” aniya.
Nanggaling si Kingad sa isang impresibong decision win kontra Eko Roni Saputra sa ONE Fight Night 7: Lineker vs. Andrade II noong Pebrero, at alam na ang panalo niya ang mag-aangat sa kanya para sumampa muli sa mga malupit na bakbakan sa ONE Flyweight World Championship na ngayon ay hawak ni Demetrious "Mighty Mouse" Johnson. “The goal is to get back into World Title contention, and I know that another win here would put me in a good position to chase for the belt," aniya.
Pero hindi ibig sabihin na minamaliit ng Team lakay bet ang Chinese opponent. May rason siyang maging maingat laban kay "Wolf Warrior" na may two-fight win streak kabilang na ang knockout win kontra Team Lakay veteran at dating ONE Flyweight World Champion Geje "Gravity" Eustaquio sa ONE 164: Pacio vs. Brooks noong Disyembre 2022.
Sa main event, nadepensahan ni ONE Muay Thai Featherweight World Champion Tawanchai PK Saenchai ang kanyang sinturon laban kay dating kickboxing king Superbon Singha Mawynn sa isa sa inaabangang laban sa lahat ng combat sports ngayong taon.
Comments