top of page
Search
BULGAR

King Charles, pinasaya ng get-well cards

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 24, 2024




LONDON — Ipinakita nitong Biyernes na nagbabasa at ngumingiti si King Charles ng Britain sa libo-libong cards na ipinadala sa kanya mula nang ihayag na sumasailalim siya sa gamutan para sa cancer.


Noong Pebrero 5, inihayag ng Buckingham Palace na na-diagnose ng cancer ang 75-taong gulang na si Charles, kalahating taon lamang matapos siyang maging hari.


Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Charles kay Prime Minister Rishi Sunak na napaiyak siya ng ilang mga mensahe na kanyang natanggap, at inilabas ng palasyo ang mga video sa social media na nagpapakitang binabasa niya ang ilan sa mga card.


Tinatayang higit sa 7,000 liham at card ang natanggap ng hari. Naglalaman ang karamihan ng mga dasal at pagpapahayag ng kahilingan sa mabilis na paggaling ni Charles.


Ipinagpapatuloy ni Charles ang kanyang mga opisyal na gawain sa estado ngunit naantala naman ang kanyang mga pampublikong presensya habang sumasailalim sa gamutan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page