ni BRT | May 7, 2023
Kinoronahan na bilang bagong hari ng United Kingdom si King Charles III sa Westminster Abbey sa London, kahapon, Mayo 6.
Sa Westminster Abbey kinoronahan ang bawat British monarch ng Britain sa loob ng mahigit 900 taon.
Samantala, isinama ang relics mula sa orihinal na cross kung saan ipinako si Hesus sa bagong gawa na “Cross of Wales” na nasa unahan ng prosesyon sa koronasyon.
Samantala, sa pagsisimula ng bagong monarkiya, ipinakita na sa publiko ang mga bagong banknote at barya ng United Kingdom na may mukha ni King Charles III.
Magsisimula ang sirkulasyon ng mga naturang banknote at barya sa 2024, ngunit nilinaw ng Bank of England na maaari pa ring magamit ang mga salaping may larawan ng yumaong si Queen Elizabeth II.
Comments