top of page
Search
BULGAR

Kinasuhan, wanted… ANGELI KHANG, IBINULGAR ANG LAHAT NG PANG-AABUSO SA KANYA NG KOREANONG PADIR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 13, 2024



Showbiz News
Photo: Angeli Khang / Fast Talk with Boy Abunda

Muling binalikan ni Angeli Khang ang matinding pinagdaanan niya sa ama noong bata pa siya na hindi niya makalimutan hanggang ngayon.


Sa panayam sa Vivamax Queen sa Fast Talk with Boy Abunda, detalyado niyang ikinuwento ang naranasan nilang magkapatid na pang-aabuso mula sa kanilang Korean dad.


“I was born here in the Philippines. After nu’ng elementary ko, pumunta ako ng Saipan with my dad. I really respected my dad and I missed him so much from not seeing him for a long time,” simula niya.


“Pero siguro, iba ‘yung sobrang military discipline ni Daddy. My dad was a US military officer. Hindi matatapatan ang motherly love.


“But a dad’s love, a father’s love, is uptight. A dad’s love is very different from a mother’s love. Pero since military discipline ‘yung dad ko, mas naging uptight pa s’ya,” aniya. 


Ang kanyang kuya raw ang unang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang ama.


“We were physically abused. Kahit ano’ng makita. One time, merong dos por dos kasi he owns a construction company there. Nu’ng nakita n’ya ‘yun, sinaktan n’ya agad ‘yung kuya ko. Pinalo sa likod and hindi pula ang lumabas sa likod ng kuya ko, color purple na.

“The reason was only may ipinapa-solve si Daddy na Math pero my brother, ‘di niya agad nasagot. Nu’ng ‘di na kinaya ng kuya ko, umuwi na s’ya ng Pilipinas,” pagbabahagi ng sexy actress.


Nang umalis ang kuya niya, siya naman ang pinagbalingan ng ama.

“Hindi ko inaamin na alam ko na umuwi si kuya dahil si kuya, tumakas. Tumakas siya kay daddy.


“And gusto akong paaminin ni daddy. Ang way n’ya ay bigla n’ya akong ingungudngod sa hugasan ng plato,” kuwento niya.


Minsan naman daw ay one week siyang hindi pinakain ng ama at sa sobrang gutom niya, habang pinapakain daw niya ang kanilang aso ay naisip niyang kainin din ang pagkain nito.


Pumapasok daw siya sa school na may pasa at duguan ang kamay at nawala na rin daw ang energy niya as a teen-ager. 


“Ang lagi lang sinasabi sa ‘kin ni daddy to comfort me is 'I want the best for you,'” aniya.

Hanggang sa may nagmalasakit sa kanya na isa niyang klasmeyt at nagsumbong sa kanilang teacher na kumilos agad at nagsabi sa kanilang school counselor. Dito na siya dinala ng ama sa Pilipinas.


“Kasama ko si Daddy umuwi ng Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, tinawagan n’ya ‘yung mom ko na kunin n’ya ako at pag-aralin ako sa Pilipinas, kahit ano'ng gusto n’yang school, susuportahan pa rin ako at may monthly allowance.


“Pero nu’ng pagpasok ng mom ko, nakita n’ya kung gaano ako kalanta, walang buhay, and nu’ng nalaman ng mom ko, nag-file na agad ng case laban sa daddy ko,” pagbabalik-tanaw ni Angeli.


“Yung case na filed, it took a lot of years. Ang daming dilemma na nangyari, 2020 or 2021 bago nai-file ‘yung warrant of arrest sa dad ko,” she said.


“I’m thankful sa career ko ngayon dahil mas naging easy ‘yung pag-file ng case sa dad ko.

Kapag bumalik ang dad ko sa Pilipinas, may warrant of arrest na s’ya. Huli na agad,” saad niya.


Sa tanong kung mapapatawad pa ba niya ang ama sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang magkapatid, “I will forgive him if he asks for forgiveness. He’s 80 plus years old.

“There will be judgment, kung ‘di man s’ya ma-judge rito sa mundo, there will always be judgment,” wika ng Vivamax star na si Angeli Khang.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page