ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 16, 2024
Photo: Rufa Mae Quinto - IG
Nakausap umano ni Ogie Diaz si Rufa Mae Quinto at isa raw sa mga nabanggit nito ay ang susunod na proseso ng kasong kinakaharap niya tulad ng kay Neri Naig.
Ibinalita rin ng actress-comedienne na nakauwi na ang kanyang mister na si Trevor Magallanes matapos itong maaresto kamakailan.
Hinggil sa kasong kinakaharap ni Rufa Mae, ani Ogie, “S’ya naman ay nakatakdang humarap sa SEC... via ZOOM,” base sa inilahad sa kanya ng aktres.
Matatandaang matapos si Neri ay si Rufa Mae naman ang nagkaroon ng isyu na halos pareho sa sitwasyon ng aktres kaugnay umano sa investment scam ng Dermacare beauty clinic, kung saan pareho silang celebrity endorsers nito.
Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Rufa Mae Quinto dahil gusto raw ng anak nitong si Athena na roon mag-Pasko.
Wala raw balak magpalit… ANAK NI BARON KAY NADIA, APELYIDO NI BOY ASISTIO ANG GAMIT
Nagsalita ang anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Asistio tungkol sa amang si Baron Geisler.
Na-interview ang mag-ina kamakailan sa isang programa ng GMA-7 na Lutong Bahay (LB). Inamin ng dating aktres na may anak siya kay Baron. Naging talk of the town ang isyu dahil ang tagal na itinago ni Nadia ang tungkol sa pagkatao ng anak na si Sophia.
Na-mention kasi ng aktor na may anak na siyang babae bago pa man iniluwal ng misis niyang si Jamie Evangelista ang kanilang daughter.
Nag-viral ang isyu nang banggitin ni Baron na may anak siya kay Nadia.
Then, veteran entertainment writer Cristy Fermin felt vindicated that Baron had already spoken about this because, years ago, she revealed this matter in a report but the actress sued her.
Bandang huli ay inamin na rin ni
Nadia sa publiko na ang bunsong anak na si Sophia ang anak ni Baron.
Hindi umano sinabi ni Nadia noon na ang aktor ang tunay nitong ama, until she asked about this when she was 16 years old. Itinuring naman daw na tunay na anak ng kanyang late husband na si Boy Asistio si Sophia. Ini-request daw ni Boy ang buong katotohanan na sabihin sa bunsong anak kapag siya ay nawala na.
Well, Sophia also shared that she talked about this to her Daddy Boy because he has a soft place in her heart. Ayon kay Sophia wala siyang intention na baguhin ang kanyang last name.
“When I see comments na parang, ‘Bakit ganito ‘yung apelyido mo, ganito, ganyan,’ ngayon ko lang sasagutin, because like, ‘I’m very proud sa apelyido na meron ako ngayon. I take pride. And kung ‘di ko s’ya kailangang palitan, ‘di ko papalitan ‘yung apelyido ko, guys. Hindi talaga,” ani Sophia.
Nang tanungin siya kung ano ang tawag niya kay Baron, aniya, she could not find the right term yet at kung nagkakausap naman daw sila ng actor, lagi naman daw siyang nagsasabi ng po at opo na tanda ng paggalang sa amang aktor.
Pahayag niya, “Siyempre, hindi ko rin ika-cut-off ‘yung ganu’ng opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa ‘kin.”
She was thinking that she might learn from this to help her grow as a person.
The actress knows how painful it is that the public is talking about their lives when people do not really know what was happening.
“The right time will come naman, kasi hindi naman kayang ako lang mag-isa ang gumagawa ng paraan. Hindi rin naman po puwedeng siya lang ang gumagawa ng paraan,” dagdag ni Nadia Montenegro.
Comments